Isabella's POV
Nagising ako dahil naririnig kong nay nagsisigawan sa labas ng aking kwarto kaya inayos ko aking sarili at lumabas na.
Nasa pangalawang palapag nagmumula ang ingay at teka boses ba yon ng babae? palakas ng palakas ang boses na iyon para bang tunog na lang ng baril ang kulang may mamatay na dahil sa galit.
Medyo humina ito makalipas ang ilang minuto nagpunta naman ako sa kusina dahil ayaw kong manghimasok tiningnan ko ang oras 8:36 na pala ng gabi teka..
8:36?!!
Ganon ba ako napagod at 8 hours akong nakatulog umiling na lang ako at binuksn ng ref para uminom ng matapos ay narinig kong may pababa ng hagdan kaya nagtago sa gilid ng pader.
"...fine pero tandaan mo hindi ito ang huli nating pagkikita." Matalim at tila nagbabanta ang boses na iyon napatalon ako sa gulat at mahinang napasigaw dahil sa gulat ng lakas ba naman.
Narinig kong may papalapit kaya umurong pa ako ng konti sa dulo ng pader.
"Kanina ka pa nandyan?" Mahinahon pero nagpipigil na boses ang narinig ko at agad ko yong nabosesan kaya napatingin ako dito umiling iling ang ako.
"ka-kakarating ko lang." Kinakabahang sabi ko rito tumalim ang paningin nito at napatingin sa baso at pitcher na nasa table kaya napatampal na lang ako sa nuo.
"a-ahm a-"
"Nevermind, Btw don't disturb me for a minutes please." Bago pa ako makasagot nagmamadali itong umalis at dumiretso sa kwarto nito napatulala naman ako at napatingin sa kamay kong nanginginig.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at lumapit sa table binalik ko ang pitcher sa ref at hinugasan ang basong ginamit ko.
Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog natulog kasi ako kanina pag nakakatulog ako ng hapon matagal ako makatulog ng gabi nagring bigla ang cellphone ko kaya napatingin ako rito nakita kong si yesha ito kaya kinakabahang sinagot ko ito.
"Hi ate!"
"Hi."
"Pasensya na ate d kita nasagot kanina sa text nawalan ako load naubos kakanuod ni mama sa cellphone eh."
Naiimagine ko na namang napapakamot ito ng ulo at umiling iling kaya bahagya akong napatawa 17 years old pa lang si yesha pero marami na itong alam mas matalino rin ito saakin syempre nag-aaral eh grade 11 na ito kaya kailangan ko talagang mag trabaho ng maayos para matapos nito ang senior high.
"Ayos lang so kumusta si mama ngayon?"
"Ayon nakaupo sa harap ng TV nanunuod btw yong project pala namin is sasali sa contest yong kaklase namin at kailangan ko mag- ambag ng isang daan para sa mga gamit nito yong isang isang daan naman para don sa isa ko oang project."
"Ganon ba....o sige...text na lang kita pag bibigay na ako okay?"
Pagkatapos non ay nagpaalam na ito at sinabing okay daw binaba ko naman ang phone ko at nagimagine na naman pano kaya kung kompleto kaming pamilya? pano kaya kung matino pa rin si mama? ang saya siguro non pero hindi rin kasi nakaplano na ang bawat buhay sa mundo eh atsaka hindi ko makikilala si sir.
Speaking of sir nakakahiya namang pumunta ako sa kwarto nito sabihin yong cash advance ko makakapag-hintay naman ako hindi naman agad agad na sabi nito for a minutes eh ilang oras na nakalipas hmmp.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa salas at umupo sa mga upuan pagtapos ay tumingala sa langit.
May mga bituin, Ang ganda pagmasdan mahilig talaga ako titigan ang langit lalo na pag nakikita ang mga bituwing nagkikindatan ilang minuto akong nakatitig roon ng maramdaman kong hindi lang ako nagiisa dito sa salas.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at alam kong tinititigan ako nito dahil tila ba nararamdaman ko ang titig nito hindi ko na lang muna pinansin.
Aware akong napaka-inappropriate na ng nangyayari saamin ng amo ko at hindi talaga ito normal ano na lang kaya ang sasabihin ni lola, yeshang at... mama pag nalaman nila ito.
Aminin ko man o hindi sa sarili ko pero may nararamdaman na ako sa amo ko na batid kong ikasisira ng imahe niya kapag ito ay naramdaman niya rin sa isiping iyon parang tinutusok ang dibdib ko ng mataming karayom at tila mapait na lasang nalunok na hindi maipaliwanag dahilan para magwala ang mga bulate na nasa tyan ko.
jokie
Langit siya samantalang ako lupa lang walang wala pa ako sa kailingkingan niya napakakisig niya sa moreno niyang kulay magkaibang mata na biniyaya sakaniya at ang tangos ng ilong perpektong perpekto at ang panga nitong hulmang hulma dahil sa 5 o'clock shadow nito ang buhok nitong mala leonardo de caprio noong kabataan pa samantalang ako ito lang ako lang naman.
Sana lamang ay magtagal pa ako sa lugar na ito na walang kahit na ano mang sakit na nadarama..
whoaa lalim ha na-da-ra-ma
Shhhhh!!!
Napailing na lang ako at binaba ang paningin mula sa pagtanaw sa kalangitan naramdaman kong tumabi ito saakin kaya napatingin ako dito naramdaman kong hinawakan nito ang pisngi ko at pinunasan ang luhang nalaglag hindi ko pala namalayan na lumuluha na pala ako wala man lang akong naramdamang basa.
"Wag mo ng ituloy isipin kung ano man iyang iniisip mo masama yan sa kalusugan, Look at you crying in the middle of the night." Ani nito pagtapos punasan ang luha kong namalabis.
"W-wala lang po ito s-sir." sabi ko dito tumayo ito at umalis sandali pagbalik ay may dala dala na itong basong may laman ng tubig at inabot saakin agad ko namang kinuha iyon nakakahiya naman saakin kung siya pa magpapainom.
may hiya ka pa pala
Nakaismid na sabi ng subconscious ko pagkatapos kong inumin iyon nilagay ko ito sa table na kaharap ko at tumingin muli sa kalangitan.
Hinila nito ang isang wood chair sa dulo ng table at nilagay sa tabi ko at doon umupo hinuli ito ang paningin ko nakaigting ang pangang nakatingin ito saakin kitang kita ko ito dahil nakabukas ang ilaw dito sa salas binuksan ko kanina.
"You know you can tell me everything i won't judge but it's up to you still but i recommend telling it to me tho." Namimilit na ani nito tinitigan ko muna ito at umiling na lang pagkatapos non ay katahimikan na ang bumalot sa buong kabahayan tanging paghinga na lang namin ang naririnig ko naisipan kong basagin ito.
"Kailan pala uwi nila lola sir?" Tanong ko dito hindi naman sa gusto ko na sila umuwi i mean partly gusto pero may parte din na wag na muna kasi hindi ko na masosolo si sir.
"You can call me theo and next week pa uwi nila manang dahil pinapunta sila ni mommy sa bahay nito." Natulala naman ako at nagpokos sa sinabi nitong pangalan nito 2 weeks na ako dito pero hindi ko pa alam ang pangalan niya lagi kong nasasabi sir at sila lola rin nakakahiya naman.
"P-pero sir-"
"nah just call me theo." sabi nito at iling iling pa ang ganda ng pangalan bagay na bagay lang dito naalala ko tuloy yong pinagpapantasyahan ni yesha na british actor na si theo james napaka pogi non jusko pero mas pogi pa rin itong kaharap ko para saakin.
"Pero baka kapag narinig ni lola magalit pa yon saaki." Nagaalala kong sabi tila naman nagiisip ito ng sasabihin maya maya lang ay nagsalita na ito.
"Okay call me sir when they're around but theo when nobody's around got it?" Nakataas na kilay na sabi nito ang pogi tuloy.
"O-okay t-theo." Nauutal kong sabi at tumingin sa mga mata dahil nakakahiya talaga boss ko to tapos sa pangalan ko tatawagin ano kaya magiging reaksyon nina lola pag nalaman nilang sa pangalan ko ito tatawagin.
"Good." is all he said and chuckled at little maybe to show that he's happy though mukha na nga itong masaya sa 'Good' lang.
"Now, go to sleep isabella huwag mo ng isipin kung ano man iyang iniisip mo na negatibo hindi maganda sa katawan ang pag-iisip ng negatibo." Anya
Tumango naman ako at tumayo kanina ko pa pinagiisipan ito kung itutuloy ko pero sa huli napag pasigahan kong wag na pero ito ako ngayon nakalapat ang labi ko sa pisngi niya para naman itong nanigas dahil sa ginawa ko kaya nahihiyang humiwalay ako dito at nanakbo papasok ng bahay at dumiretso sa kwarto.
What a good night to sleep with...

BINABASA MO ANG
Affair with the Maid
Storie d'amore"I never give people a chance to explain what does love means until i met you, You didn't even explain it..."