Metal Vessels
MEZULALL THE STUDENTS on my year level gathered on the great hall including the other guilds. Today, we will choose our own metal vessels as we are graduating students.
Kasama ko ang lahat. What I mean is I'm with Ayen and the others including the prince. Kahit isang buwan na ako dito at kasama sila ay hindi pa rin ako ganoon kakumportableng tawagin silang kaibigan.
They're my trusted friends. At least until the incident happened at the evaluation two weeks ago. Ayos naman ako. Ayos ang lahat, actually.
Para ngang walang nangyari from the beginning. Ako lang itong nagdamdam dahil ako lang din naman ang pinagtaguan ng sikreto.
Though I don't have any idea why. Alam kong may karapatan ako kahit papaano. Pero kahit na ganoon, wala ni isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ang nagsabi ng totoong nangyari.
Medyo na-guilty din ako sa naging resulta ng galit ko. I was never violent and wild. I don't know what had gotten to me to act that way. Naging mapagmataas ako, oo. At hindi ko ginusto iyon.
Gayun pa man ay may nakuha akong maganda during that evaluation day. I gained my wings and gold nails back. Wala nang mas gaganda pang balita na nangyari sa buong pananatili ko dito maliban doon.
But still, I'm grateful.
And about prince Ul... we are civil naman.
Napag-usapan na naming magiging magkaibigan kami noong bagong dating ko lang dito pero parang hindi naman siya nag-eexist. After all, he's a silent friend with everyone else in the circle. I shouldn't expect more.Hindi ko na rin naisipan pang itanong kung totoo bang pumasok siya sa kwarto ko noong gabing iyon. Siguro ay panaginip lang iyon na likha ng isip ko. And how am I supposed to tell him that anyway?
Sasabihin ko ba na "Huy, prinsipe Ul---pumasok ka ba sa kwarto ko kagabi at---" damn, I can't even think of it right in my mind. Paano pa kapag nasa harap ko na siya di ba?
Wala rin pala siyang nabanggit tungkol kay Arliah. He didn't mention her name even once. Okay naman na ang babaeng iyon. Actually, her damages during our fight only healed within a single day. Tumagal nga lang siya ng tatlong araw sa infirmary para makapag-pahinga.
She never showed her face in front of me since then. Si Ayen lang ang nagsabi sa akin ng kalagayan niya kaya alam ko na kung paano siya naka-survive matapos noong atakeng ibinalik ko lang naman sa kanya.
Pwede na nga niyang ikinamatay iyong ginawa ko kung hindi lang siya agad na naisugod sa infirmary. After that evaluation and that night, na-realized ko nang mas mabuti nga'ng unang dinaluhan ni prinsipe Ul si Arliah dahil iyon naman talaga ang dapat niyang gawin.
She needed help and I don't. In fact, I knew to myself that I am invincible that time. Talagang hindi ko na maintindihan ang sarili ko. So, during those two weeks, wala akong ginawa kung hindi ang mag-aral at mag-training.
Tulog at kain nalang ang pahinga ko para maiwasan ang pag-iisip. Mas kinakailangan ko kasing hasain ang sarili ko sa pag-gamit ng pakpak at gintong mga kuko. Napaka-hirap noong una pero medyo nasasanay na din ako kahit papaano.
And sadly, while I'm on my training, my hair ended up being burnt. I have no choice but to cut it na ngayon ay lumagpas lang sa baba ko ang haba. The new style could've fit in me if my face was only not scarred.
Pati ang impresyon ko ay naapektuhan nito. I became 'popular' but for me, the word popular doesn't fit with anything related to me. Mas magandang sabihin kong parang matatakot ang mga estudyanteng nakakasalamuha ko kaya't lagi silang nakatingin at umiiwas.
YOU ARE READING
Averian University: The Bounded Hell Keepers
FantasyPhantom. Mezul Castron grew up always being called by that name. In the Crimson World, it is a term that is being used to identify a person who is ugly or unpleasant. All her life, Mezul did not really mind being called one. Not until she trespassed...