Chapter 14: Mystic Market

293 22 2
                                    

Mystic Market
MEZUL

SA AWA NI God, nakalabas kami ng Forbidden Gate ng ligtas. Medyo nanghihina pa ako at pagod pero dahil pinasok na kami ni Denim sa loob ng gubat ay napabilis ang lahat-lahat.

Oh, thanks to that animal monster...

Doon ko din nalaman na kayang lumipad ni Denim. He has no wings at all but it's part of his magic. Dinaig niya pa ako na isang Crimson pero hindi naman nakakalipad.

Ang unfair lang.

After that---hindi na kami nagpa-tumpik-tumpik pa at dumiretcho kami kaagad sa Mystic Market. Pero habang nasa daan kami kanina, panay ang sorry sa akin noong apat.

Nagsorry din ako kasi guilty naman ako. That's no doubt because I have a fault too. Naiintindihan naman daw nila na pagod na pagod ako kaya wala akong panahon sa biro.

Doon ko din nalaman na hindi sila ang may pakana noong mga naunang tapik na naramdaman ko. Pati iyong mga yelo na nadaanan namin dahil isang nakakatakot na nilalang ang may gawa noon.

I shivered on that thought.

Ang sabi pa nila, hindi daw basta-basta ang mga nilalang na umatake sa akin. Those creepy creatures were only soul suckers.

They are know as the most dangerous heavenly body in Forbidden Gate. Doon lang sila pwedeng matagpuan. At iilang nilalang palang ang nakakita sa kanila.

Ang nakakapagtaka pa daw ay kung bakit hindi 'soul' o 'bad memories' ang sinipsip sa 'kin kundi ang 'life force' ko. That only means that those creepy creatures wants to kill me!

Oh my god!

Good thing---hindi natuloy ang plano nila. Kung nagkataon daw na hindi sila agad nakarating ay patay na ako ngayon at patay na rin siguro si prinsipe Ul.

Buti nga daw, eh, nasalinan ako ng life fluid ng prinsipe kaya hindi nalanta ang katawan ko. Geez---ang creepy non. Sa tuwing sumasagi siya sa isip ko ay nangingilabot ako!

Promise, magbabasa-basa ako about them and the other creepy creatures na hindi ko pa kilala para mapagtanggol ko ang sarili ko next time.

Ang hina ko kasi. So because of that: I need to set aside my laziness first so I can make my promise come true. Believe me guys, I mean it!

And speaking of the prince: Hindi pa kami nag-uusap since our last encounter at the forest minutes ago. He became very
serious. Very silent. And very irritated.

Nag-aalala ako na baka bigla siyang sumabog  nalang na parang isang natutulog na bulkan at mag-alboroto. I'm worried if he's mad at me because of what I've told him a while ago.

Sinabi ko lang naman yon kasi kailangan. Baka mahalata siya nina Zaina, Altie o ni Dino. Or worst---baka mag-isip sila ng masama tungkol sa akin at sa prinsipe. Na kabit ako...

Wag naman po sana...yieeeeee!

"Uy---okay ka lang?" Bilglang tanong ni Ayen habang nag-iikot-ikot kami sa paligid. Siya ang kasama ko ngayon dahil by partner ang gusto ng mga hangal.

Si Altie at Zaina naman ay shopping ang peg. Sina Dino at prinsipe Ul? Ewan ko lang. Wala sa tipo ng dalawang binatilyong yon ang mag-window shopping. That's the reason why they're the ones who's going to bought the solutions.

Sa kabilang banda...

Ang ganda talaga rito. Iyong inaapakan naming sahig ay gawa sa mga obsidian. Kulay violet iyon na kumikinang-kinang pa.

Averian University: The Bounded Hell KeepersWhere stories live. Discover now