Missing In Action
MEZULAFTER DRINKING OUR potion, prepared by the slaves of Dino... They immediately changed into something cheap... I mean, normal.
Kanya-kanya pa sila sa pagtanggal ng mga gold jewelries and accessories kasi gusto nilang magmukhang normal. Yung hindi mukhang mayaman at parang ordinaryong mamamayan lang.
Bago kasi namin mapuntahan ang Forbidden Gate, eh, dadaan pa kami sa pamilihan ng Triad Land. It was called 'Mystic Market'. Ito ang pinaka malaking pamilihan sa lupain ng Triad Land na pwede naming bisitahin para bumili ng mga kung ano-anong ingredients mamaya.
Gusto kasing mag-shopping ng mga kasama ko at ngayon lang daw uli sila makakalabas ng Emperor Palace ng hindi gabi at hindi na nga-ngailangan ng gate pass.
Of course---OP na naman ako sa kanila mamaya panigurado. They have money which I don't have. Itsura palang nila Zaina ay mahahalata mo nang nagmula sila sa isang mayamang angkan.
Noong nakatira pa ako kina Marisa ay isa o dalawang beses lang kami kung pumunta doon dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin.
Hindi namin masyadong afford ang presyo. Mahirap para sa mga malayang nilalang na mag-ipon ng ginto. Mas lalo naman para sa mga mahihirap. Never siguro silang makakabili ng kahit na ano sa pamilihan na yon.
It's not like, I'm discriminating them, huh? I'm just really telling the truth. No offense meant.
The producer's there were not over pricing their products. Natural lang na mahal talaga ang mga bilihin doon dahil para sa mga dugong bughaw ang pamilihan na iyon.
They only accept gold coins. Mataas din ang uri ng mga bagay na pwede mong bilhin sa lugar na yon gaya nalang ng mga alahas, utensils at potions kaya hindi mo sila masisisi sa presyo.
May naalala tuloy ako bigla.
Kanina, bago ako tuluyang makalabas sa kwarto ko ay naabutan kong nakatayo si Sir Del sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Nakakapagtaka ba? Indeed.
He greeted me with a warm smile and a hug. Ikinalito ko yon pero mabilis ding nawala. Binati ko din siya kasi na-miss ko yung kagwapuhan niya. Ang cute kasi niya. Parang kaedaran ko lang siya kahit na hindi.
Noong una ay tinanong niya ako kung bakit hindi pa ako nagpapa-tatak. Nagulat ako sa sinabi niya kasi nakalimutan ko nga talagang magpatatak ng guild mark.
Nawala kasi sa isip ko ang mga sinabi ni Arliah noong isang gabi dahil gusto ko ring kalimutan ang babaeng yon. Pangalan pa lang niya ay kumukulo na ang dugo ko.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit, basta alam ko lang na mabigat ang loob ko sa kanya.
So that...
Nag-sorry ako kay Sir Del at pinagbigyan naman niya ako. Mamaya daw ng gabi ay pumunta daw ako sa Verdales Hall. Pagkatapos siguro naming gawin yung potion.
Mga 7:30 ng gabi. Sa bulwagan ng guild ko daw ako tatatakan na hindi ko pa nabibisita o nakita. Hindi pa kasi kami pumupunta doon ni Ayen.
Si Arliah kasi, eh...
Akala ko aalis na si Sir Del matapos niya akong paalalahanan pero hindi pa pala. I was so shocked when he grabbed my hand and hold it tight. Nanlamig ako sa kaba at pagtataka.
Sobrang nawindang ako!
Akala ko may special ng nararamdaman si Sir Del sa 'kin at magtatapat na siya. Yung tibok ng puso ko, eh, sobrang bilis talaga dahil kinakabahan ako ng bongga. I want to freak out so badly!
But then...
Sir Del put a small pouch inside my palms. Hindi ko na kailangan pang makita iyon para malaman ko ang inilagay niya sa loob ng kamay ko.
YOU ARE READING
Averian University: The Bounded Hell Keepers
FantastikPhantom. Mezul Castron grew up always being called by that name. In the Crimson World, it is a term that is being used to identify a person who is ugly or unpleasant. All her life, Mezul did not really mind being called one. Not until she trespassed...