Chapter 4: First Day

473 37 5
                                    

First Day
MEZUL

GANITO PALA ANG pakiramdam kapag pinagkakaisahan ka ng tadhana, ng mundo at ng buong universe. Nagmumukha kang tanga at hindi makalaban.

If I am only cruel like them, kanina pa ako gumanti sa kanila. Pero hindi, eh. Mabait yata ako. Hindi kaya ng konsensya ko na pumatay ng isang walang kalaban-laban na nilalang.

Today is my very first day at school. And yes, mag-aaral na nga ulit ako. Hindi dahil ginusto ko kundi dahil ginusto ng buong mundo. And sad to say, wala akong karapatang tanggihan ito.

I'm here now at the Headmaster's office. Kasama ko uli ang prinsipe ng mga Crimsons dito sa loob ng kwarto habang hinihintay ang headmaster.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over sa mga narinig ko. I didn't expect that Marisa will betray me.

At oo...

My guardian betrayed me. You read it right! Siya nga itong ilang chapter ko nang ipinagmamalaki tapos siya pa pala ang hindi ko maaasahan. But deep inside me, I know, she only did that for my betterment.


Marisa's dream for me is to finish my studies and work for the ministry. I posses a dangerous ability and that job perfectly suits me. Pero ayoko ng nag-aaral. O mas maganda sigurong sabihin na ayoko talagang mag-aral.

Sa ilang taon na nabubuhay ako, ni minsan ay hindi ko pinangarap na makokontrol ko ang sarili kong kapangyarihan. I'm fine where I am.

Tahimik.

Walang gulo.

Walang sagabal.

Walang kahit na anong responsibilidad na nakapatong sa balikat ko.

Kung makababalik lang ako sa nakaraan, I'm sure hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na patulan iyon.

At kung ako ang tatanungin kung anong babaguhin ko?

Iyon ay noong araw na naging pasaway akong bata at nagpagabi sa tapat ng Emperor Palace para lang sa paborito kong bulaklak. It's never part of my dream to possess a dangerous power. And I am not deserving for this ability.

Kaya ayoko na itong matutuhan pang gamitin at kontrolin para mapakinabangan ng aming mundo.

Sabihin na nating... childish at iresponsable ako. Oo, tama. Ganoon talaga iyon but I have my rights. I'm too young to recieve this big and important responsibility.

Gusto ko ng buhay na walang inaalalang problema. Bata pa ako at meron akong karapatan na maramdaman iyon.

Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin ng prinsipe kanina. Iyon daw ang napagkasunduan ng Mystic Council.

"You can't go back there again." The prince started once we entered a private room after we left the Mystic Council.

Hindi ako kinakabahan ngayon pero mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. I can't control my emotions and hormones because of the fact that he's my soulmate.

Averian University: The Bounded Hell KeepersWhere stories live. Discover now