Quisera Rose And The Soul Suckers
MEZULNAGING MABILIS ANG mga sumunod na pangyayari matapos naming matakasan ang kamatayan, kani-kanina lang.
Buti nalang talaga at extra-ordinary ang mga wings ni prince Ul. Mabilis tuloy kaming naka-gora.
Hehe.
Pero ang masama, hindi pa rin kami nakakakita ng Quiseras Plant sa paligid. Kanina pa kami sa ere ni prinsipe Ul.
Parang hindi na matatapos ang kalbaryo namin. Sobrang layo na ng narating namin pero negative result pa rin. Wala nga yata talagang forever, hay.
Kumusta na kaya sina Dino, Zaina, Ayen at ang paborito ko na si Altie? Sana naman---maayos sila. Sana din nakakuha na rin sila ng mga ingredients na kailangan namin.
Kasi ni isang Phantara Tree, Rassberries, Giant Dragon Fly o Raptors ay wala pa kaming nakikita ni prinsipe Ul buhat kanina.
Puro mga wild animals lang. Wala pa din akong nakikitang mga unicorn, pegasus, o ibang mga nakakatakot na myth creatures sa paligid. Dapat kasi ay meron noon sa Forbidden Gate.
For example, iyong mga nilalang na kalahati lang katawan (na walang paa) at may isang sungay sa tuktok ng ulo?
Pwede rin yung kalahating kabayo at kalahating tao ang katawan? Waley pa din. Pero sana, walang Giant dito.
Kasi kapag nagkataon na naka-interact namin sila ay paniguradong patay kami kaagad ng prinsipe kahit na Hell Keepers pa kami.
Wala kaming laban dun 'no?
Kakampi kasi ng mga Giants ang Illusionist Tribe kung saan si Silas ang namumuno. Ayokong makakita ng tulad nila. Baka mahimatay pa ako kapag nagkataon.
Ang papanget pa naman ng mga Giants. Mukha silang mga baboy na puno ng uhog sa ilong at saka sa baba kasi hindi sila nagpupunas. Tapos tumutulo din yung laway nila---and gah! Ang babaho nila.
Parang hindi sila naliligo!
Kung paano ko nalaman?
Well, hindi iyon ikinuwento sa 'kin ni Marisa. Ang alam lang niya ay may mga Giants sa Forbidden Gate pero hindi pa siya nakakakita noon in person.
And me?
Gaya ng ipinahihiwatig ko...nakakita na nga ako ng tulad nila.
Hindi ko naman sasabihin yung features nila kung hindi ko pa sila nakita di ba?
Di ba?
Wala kasi sa book ang mga Giants dahil hindi sila nilikha ng mga diyos namin. They just pop out from nowhere ng hindi nalalaman ng mga gods and goddess of Magic World!
At hindi din pala sila pwede sa heaven o sa underworld. Dapat, sa impyerno lang sila dahil original na residents sila doon. That's one of my responsibility as a hell keeper.
Ang alisin ang lahat ng junk creatures dito sa Crimson World at itapon silang lahat sa Hell.
Hindi kasi nagtagumpay ang mga naunang Hell Keepers na itinalaga ng Luna kaya nagkaroon ng pangatlong batch. Two hundred years had past but still...
The cruel monsters were breathing the same air we all breathe na hindi nila pagmamay-ari. Hindi dapat namin hayaan ni prinsipe Ul na tuluyang dumami sila dito. We need to get rid---all of them ASAP!
But that's another story of my life that will going happen soon in the near future . I don't have any time now to tell you that story kaya konting hinatay pa.
YOU ARE READING
Averian University: The Bounded Hell Keepers
خيال (فانتازيا)Phantom. Mezul Castron grew up always being called by that name. In the Crimson World, it is a term that is being used to identify a person who is ugly or unpleasant. All her life, Mezul did not really mind being called one. Not until she trespassed...