Chapter 15

4 1 0
                                    

DANIEL ZEUS's POV

  Sa isang sikat na fast food chain kami nagpunta. Since dito daw ang paboritong pinagkakainan nilang magkakaibigan.

   Ganon nalang ang gulat ko ng malamang dalawang family meal ang inorder ni Marae.

"Ang dami naman niyan, mauubos ba natin 'yan?" tanong ni Tj. Iyan mismo ang unang pumasok sa isip ko.

"I don't think so" may pag iling pang sagot ko, siguradong sigurado.

"Hindi niyo naman kailangang ubusin eh," nangingiting sagot naman ni Marae. Nahalata siguro ang reaksyon namin ni Tj. Sayang din naman kasi.

"Huwag kayong mag-alala't hindi 'yan masasayang" ganoon din ang reaksyong ani Andrae

"Oo, itetake-out iyan ni Trish pag hindi naubos" Mukhang ganito lagi ang gawain nila. Umorder ng sobra saka magtetake out. Maging si Zoie kasi ay ganoon din ang reaksyon.

   Hahaha... Seriously?! Parang wala naman sa personality niya ang magtake-out ng tirang pagkain...

"Anong nginingiti-ngiti mo jan ha?" Mataray na tanong ni Marae sa akin. Nakita ang pigil na pagtawa ko. Ipinatong niya ang kanang siko sa ibabaw ng mesa saka nakapangalumbaba akong tiningnan " answer me"  taas kilay paring dugtong niya.

Natatawa naman akong nagkibit balikat "i just.... didn't expect you to do those kind of things"

" things,.. what?"

"Mag take-out ng tira?" Patanong na sagot ko

"At ano namang mali don?"

"No-nothing" pigil parin ang tawang sagot ko.

"Tsh! Namumuro kanang pagtawanan ako ha" umayos siya ng upo " baka kung ano-anong panlalait iyang nasa isip mo? Naku! Sinasabi ko sayo!" Itinuro pa ako. Ahaha nagbabanta, but this time... i find it cute..

   Iiling iling nalang akong natawa sa kaniya. Ipinakitang hindi manlang natakot sa banta niya.

"Tsh!" Marae

"Kumain na nga tayo't nagugutom na ako!" Aya ni Andrae saka nanguha ng pagkain. "At kayo namang dalawa (itinuro pa kami ) tigil tigilan niyo na nga 'yang pagiging aso't pusa niyo! Hindi ba kayo nahihiya sa amin?! Lagi nalang kayong nagbabangayan sa harapan namin!" Dere-deretsong sermon niya samin ni Marae saka sumubo. Tsh!

   Di ko inaasahang magkakatinginan kami ni Marae saka matatawa.

   Pagkatapos naming kumain ay tinake-out nga ni Marae iyong mga hindi nagalaw na tira namin. Kung tutuusin ay halos hindi talaga namin nagalaw iyong isang set ng family meal. Ganon nalang ang gulat ko ng makitang nag order pa siya ng burger and fries, may kasama pang drinks.

"Ahm... I'll go ahead, May dadaanan pa kasi ako. Baka may pupuntahan pa kayo eh" Marae

"Ah, sige teh ingat. Kitakits nalang sa school" sagot ni Andrae

" anong kitakits? Sasama ka sakin. Walang hahawak sa mga ito" itinaas  niya ang mga pagkaing hawak.

"Hoy! Maggogrocery ako, wala na akong stocks sa unit ko. Sasamantalahin ko na ngayon at may masasakyan ako't iyong kotse ko eh di nila magawa-gawa" derederetsong paliwanag ni Andrae

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon