chapter10

43 3 0
                                    

   ZEUS's POV

       Maaga kaming pumasok ni Ali ngayon para iset up ang plano naming kalokohan para kay Marae. hehe... oras na naman ng pagganti. lagot ka sakin ngayon!

   Buti nalang at naging professional siya nung nasa music room kami, dahil kung hindi? baka hindi naging maganda ang pagkanta namin. Nagustuhan naman nila Aldrine ang ginawa namin kaya nakuha kaming pareho. After naming kumanta ay pinatugtug din kami ng mga alam naming instrumento. Now we are part of them.

"dude, where should i put this?" biglang tanong sakin ni Ali

"sa taas ng locker niya" sagot ko naman

   Inilagay nga niya ang isang maliit na timba na may lamang all purpose flour sa itaas ng locker ni Marae, may tali ito na naka connect sa pintuan ng locker  kaya pag binuksan niya ito,matatapon ang laman nung timba sa kaniya.  Wala pang masyadong estudyante dito sa part ng school na to ngayon dahil maaaga pa.May mangilan ilang dumadaan kaya napapahinto kami ni Ali sa ginagawa at kapag wala na ay itutuloy na rin.

"Dude, matanong ko lang, bakit ba inis na inis ka diyan kay Trish? Ano bang nagawa niya sayo?" Tanong ni Ali sa akin

"Basta! She's annoying "

"Nabara ka din ba niya? Hahaha... may pagkapelosopo din kasi 'yon  eh,. Pag iyon nakasagutan mo mapapahiya ka talaga"

   Di lang basta pelosopo! Napakayabang pa!

Di ko nalang siya sinagot at nagtuloy nalang sa ginagawa. Ayaw ko rin kasing pag-usapan pa iyong Marae na 'yon,

  Pagkatapos namin ay pumunta na muna kami sa canteen para kumain, hindi pa kasi kami nagbebreak fast. doon ko na rin ibinigay sa kaniya ang bayad niya para sa pagtulong sa akin. Noon pa man, ganito na kami, ako taga utos at siya naman ang taga gawa saka ko siya babayaran.

    Nandito na kami ngayon malapit sa locker ni Marae. Hindi ganung kalapit pero sapat na para makita namin siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko na rin siya kasama ang mga kaibigan. Himala, maaga siya ngayon.

   Ng magtama ang paningin namin ay nginisihan ko siya pero irap lang ang iginanti niya. Ts!

"Uy teh, nagawa mo ba yung assignment natin sa English? " rinig kong tanong ni Andrae kay Marae

"Yeah, why?" Marae

"Hehe, nakalimutan kong gawin kagabi eh, pakopya," Andrae

"Uy ako nga din, hindi ko rin nagawa eh" Zoie

   Huminto naman si Marae sa paglalakad saka humarap sa mga kaibigan. Una niyang tinignan si Andrae " NO (sunod niyang tinignan si Zoie) Way!" Madiing aniya saka niya sila nginisihan at nagpaumunang maglakad. Ts! Nang-aasar

  Agad naman siyang sinundan nung dalawa.
  Hindi ko na narinig pa ang usapan nila ng makalampas sila sa amin.

***************

MARAE's POV

     Dahil iisa lang ang assignment ko, maaga akong naka tulog kagabi kaya naging maaga din ang paggising ko. Naunahan ko pa nga ang alarm clock ko sa paggising eh, hehe. Ngayon din kasi ang biyahe nila daddy papuntang Manila dahil bukas na ang flight nila. Gumayak na muna ako bago bumaba.

"Oh, ayan na pala siya eh, halikanat sabayan mo ang mommy't daddy mo sa pagkain" salubong sa akin ni manang

"Good morning manang" masayang bati ko sa kaniya

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon