chapter 13

13 1 0
                                    

ZEUS's POV

"Dude, tigilan na kaya natin?" Seryosong ani Ali

Andito kami ngayon sa canteen. I'm asking him about our next plan for Marae pero mukhang ayaw na niya.

"Ha?! Why? Ipinahiya niya tayo sa maraming tao remember? Bakit natin titigilan?..... No!"

"Dude nagiguilty na ako, she helped me before that's why I'm still here, tapos ito pa yung iginanti ko" nakikita ko ang sinseridad sa kaniya. Mukhang nagiguilty na nga siya.

"Fine, kung ayaw mo na, hindi na kita pipilitin. But i will still continue this... on my own. I'll go ahead " sabi ko saka tumayo

"Dude!" Tawag niya sa akin

Nilingon ko naman siya

"I'm sorry " sinserong aniya

Pilit ko siyang nginitihan"it's okay"

Hindi ko rin naman siya masisisi. Kung iisiping mabuti, muli parin niyang pinagbigyan si Ali. Binigyan niya Ito ng choice in purpose, nasisiguro kong ayaw din niyang maexpel si Ali.

But, that doesn't change the fact na napahiya ako ng dahil sa kaniya. And i still want to revenge.

Napagpasyahan kong pumunta na sa room since wala na rin naman akong maisip pang gawin o puntahan. May ilang minuto pa bago mag start ang klase at hanggat maaari sana ayaw kong nag i-stay sa room ng break time. Naririndi ako sa tatlong magkakaibigan tsh! Napakaiingay!

At gaya nga ng inaasahan ko, nasa bungad palang ako ng pintuan ay naririnig ko na ang mga boses nila. At ayon kasama pa nila si Tj na nagtatawanan. Ts! Pati siya nahawa na.

"Oh, bro! Andiyan kana pala, san ka nagpunta?" Tanong ni Tj

"Sa canteen" maikling sagot ko

"Ah," tumango tangong aniya

"Oh, Zeus! Aba't galing ka palang canteen di ka pa bumili ng pagkain namin. Nakailang libre na sa amin si Tj ah, ikaw kailan?" Andrae

Tsh! Wala talagang hiya!

"Why should i?"

"Aba't! Napakadamot mo naman!"

"Ahaha... hayaan mo na, ako nalang ang manlilibre mamaya " singit ni Marae

"Talaga!?" Nagagalak naman na tanong ni Andrae

Tsh! Pabida!

"Oo na! Ng matahimik ka!" Marae

"Ikaw! Minsan ka na nga lang manlibre may sama pa ng loob!" Andrae

"Atleast hindi ako gaya mo na panay pa libre!"

"Ah so, may sama ka talaga ng loob?!"

"Nagkusa na nga diba? May sama parin ng loob?!"

"Ahaha!!!" Tawa nila Zoie at Tj

Anong nakakatawa??

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang teacher namin. Naging mabilis ang klase namin, nagkaroon naman ng emergency ang teacher namin sa sumunod na subject kaya binigyan nalang kami ng assignment.

"Bro, tara na!" Aya sakin ni Tj

Nakatayo na pala silang lahat at nakahanda ng umalis. "Ha? Hindi pa time"

"Wala naman tayong gagawin eh, sama tayo sa kanila, pupunta daw silang mall" hindi sinasadyang napalingon ako kay Marae na ani mo inip na inip. Tsh! Atat umalis,,,

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon