Chapter 8

73 5 0
                                    

   MARAE's POV

   Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway at gaya nga ng napag-usapan namin kahapon, kasabay namin sina Tj at Zeus na maglalunch ngayon. Kung maisasama nga talaga niya si Zeus. Ts! Sana Hindi!
  Dumaan muna kami sa mga kani-kaniya naming locker bago dumeretsong cafeteria at naupo sa table na lagi naming pinagpupwestuhan.
   Ilang minuto lang ay dumating na rin sila sawakas. Tsh! Naginarte pa kahapon eh sasama din naman pala! Mayroon daw kasi silang meeting kaya pinauna nalang muna kami ni Tj at sinabing susunod din kaagad.

" pasensya na sa paghihintay, ahm... kami nalang ang oorder, anong gusto ninyo?" Agad na presinta ni Tj

"Ah, sige... kahit ano nalang ang akin" sabi naman ni Andrae

"Anong kahit ano? Kasama ka naming oorder! Limang tray ang dadalhin at apat lang ang kamay namin ni Zeus" sabi naman ni Tj

"Ts! Kala ko naman kung pati ako maiiwan" kunwaring nadismayang ani Andrae

"Ahahaha!!! Iyan ang napapala ng mga asumerang kagaya mo!" Pang-aasar ko naman sa kaniya

"Tsh! Sabihin mo nalang kung ano ang gusto mong kainin ng makaorder na Kami!" Inis na sabi ni Andrae sa akin

"Ah , sige... kahit ano nalang ang akin" panggagaya ko naman sa sinabi niya kanina

"ABNORMAL ka! Mamaya inorderan kita ng kare-kare ng di kana makahinga diyan eh!"

"Ahaha!!! Sige maghanap ka ng kare-kare diyan at kapag ako namatay ikaw ang salarin!"

"Hahaha!!! Tama na nga iyan" awat sa amin ni Zoie

"O siya, akin na iyang card mo at iyan ang gagamitin namin" sabi sakin ni Andrae

"Ha?! Kapal mo! Iyang sa iyo ang gamitin ninyo!"

"Ahaha!!! Itong akin nalang ang gamitin natin" muling presinta naman ni Tj

"Naks! Iyan ang gusto ko" Andrae

"Ikaw Zoie, anong gusto mo?" Tanong ni Tj kay Zoie

"Ah, eh... kahit ano nalang din" nahihiyang sagot naman nito

"Hay naku! Ako nalang ang oorder para sa mga iyan! Ang aarte! Halina kayo't nagugutom na ako!" Singit ni Andrae at saka nanguna sa paglalakad

     Sumunod na din naman agad sina Tj at Zeus na iiling iling. Ng makabalik sila ay agad namang ibinigay ni Tj ang kay Zoie at si Zeus naman ang nagbigay ng akin. Si Andrae naman ay ang sariling pagkain ang hawak.

"Thank you" pasalamat ni Zoie kay Tj

"Hehe... walang anuman" ngiting ngiti namang sabi nito

   Naramdaman ko naman ang paglingon sa akin ni Zeus.

Naghihintay ng sasabihin ko.

Wala ako sa mood magtaray ngayon kaya pagbibigyan ko nalang, hehe. Isa pa nasa harap kami ng hapagkainan hindi maganda kung makikipag away ako dito.

"Thank you" pilit ang ngiting sabi ko

"Ts!" Zeus

  Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ng kumain.

"Ano nga palang subject ang pag-aaralan natin mamaya?" Tanong ni Zoie

"Aba! Excited?!" Pang-aasar ni Andrae

"Bakit? Masama?" Pagtataray ni Zoie

"Eh, nagbasa ka naman ba ng dictionary? Baka mamaya maubos ang oras natin sa pagpapaliwanag sayo?"

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon