chapter 11

28 3 0
                                    

MARAE's POV

Ganoon nalang ang gulat ko ng bigla niyang kinuha ang susi kay Ali at dere-deretsong binuksan ang locker ko.

"Oh my God!!" Gulat na usal ng mga babaeng nandodoon. Bumuhos sa kaniya ang puting powder na sa wari ko'y harina.

Napunta sa kaniya ang atensiyon ng lahat ng estudyante. Ganoon nalang ang pag-aalala ng mga estudyanteng babae sa kaniya. Ts! Kala mo naman kung ikamamatay niya!

Ng makalapit na kami ay saka niya kinuha ang libro ko sa Filipino at Physics "here" iniabot niya sa akin ang mga iyon

Ngiting ngiti ko namang kinuha iyon "Thank you " pang-aasar ko

"Magpakasaya kana ngayon, dahil sa susunod iiyak kana. Tandaan mo 'yan!" Mariing aniya, nagbabanta

"Oh? Edi iyang susunod na sinasabi mo e galing galingan mo naman, hindi iyong ganitong PALPAK!" Diniinan ko ang huling salita. Syempre makapang asar lang hehe

"Anong feeling ng mabiktima ng sarili mong prank?" Dugtong ko

"Pwede ba Trish! Nanalo kana diba? Tama na!" Inis na asik ni Ali

"So, tanggap niyo nang panalo ako?" kay Zeus parin ako nakatingin

"No!"mariing sagot niya

"Huh! Pwes, pumili kang maigi ng kakampi mo. Hindi iyong tulad nito (Ali) na puro yabang lang, wala namang ibubuga" mataray na sabi ko

"Ang yabang mo!" Galit na galit nang turan ni Ali

"At least ako may maipag yayabang, unlike you na ang lakas ng loob magyabang e wala namang maipagyayabang"

"Talagang!!" Aakma siyang sugurin ako pero hinarang siya ni Zeus

"Huwag mong sayangin ang ginawa ko,don't make any move" rinig kong bulong ni Zeus sa kaniya

"Sweet..." muling pang-aasar ko

Tumingin ako sa relo ko "we'll go ahead, it's already 7:56. You should clean yourself up, baka malate ka.." sabi ko saka siya muling nginitian at tuluyan ng umalis.

Agad namang sumunod iyong dalawa.

"Loko ka Trish, kawawa naman yung dalawa" Zoie

"They deserved it, ipinaranas ko lang sa kanila iyong gusto nilang iparanas sa akin"

"True! Mga lokong yun!" Galit na ani Andrae

Tsh! Samantalang kanina hindi manlang umimik!

"Ang tapang mo kanina Trish, nakakabilib!" Zoie

"Parang hindi mo naman kilala iyang kaibigan nating yan" Andrae

Kung alam lang nila, hehe... Takot na takot kaya ako. I may look and sound's strong but i'm not. Kinailangan ko lang talaga. I need to be strong, i want them to know what i'm capable of . Gusto kong matakot sila sa akin para tigilan na nila ako, pero parang wala namang takot ang isang 'yon. Bakit nga naman pala siya matatakot eh sila ang nagmamay-ari ng eskwelahang ito. Tsh! Isip isip din Trish...

Mga kulang lang siguro sa pansin ang mga iyon kaya ganoon ang mga ugali. Si Ali, alam kong separated na ang parents niya. Naging usap-usapan din iyon dito sa school noon. Teacher kasi dito iyong father niya noon pero nagresign na. Nagkaroon siya ng affair. Hehe, tsismosa amp...

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon