chapter 3

92 6 0
                                    

MARAE's POV

  Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Agad akong naghanda para sa pagpasok.

Pagkagayak ko ay bumaba na rin ako para mag almusal.

Luminga linga ako sa paligid ngunit tanging si manang nalang ang nandoon, maaga sigurong pumasok sila daddy at mommy sa trabaho.

"good morning manang" bati ko kay manang na naghahanda ng makakain sa mesa na para sa akin

"ah, good morning din iha, halina't kumain kana" manang

"sila mommy po, nakaalis na?" tanong ko sa kaniya

"eh kaaalis lang nila,
kani-kanina lang, sayang at di mo naabutan" sagot naman ni manang

napatingin ako sa bintanang nakabukas na makikita ang garahe at wala na ang dalawang kotse, tanging ang motor ko nalang ang nandoon

Di sila nagsabay??

"ewan ko ba sa dalawang iyon at hindi palang nagsabay sa iisang sasakyan gayong magkasabay naman silang umalis, " dugtong pa niya na ani mo nabasa niya ang nasa isip ko

Magkaaway kaya sila??

"sa tingin niyo po magkaaway sila?" tanong ko

"mukha nga, hindi sila nagkikibuan kanina eh, baka may tampuhan ang mga iyon"

Wag naman sana,,
Hindi kaya yong tungkol sa napag-usapan namin kahapon??
Tss! Kasalanan mo to Trish!!

Pagkatapos kong kumain ay umalis na rin ako para pumasok..

 

                   D F H S

Pagkarating ko sa parking area ng DFHS ay naabutan ko si Andrae na mukhang kararating lang din,

Ipinark ko ang bike ko sa tabi ng kotse niya

"oh, buti naman at hindi ka late ngayon" bungad niya sa akin

" ts! Takot ko lang kay ma'am Reyes, baka sabunin na naman ako"

"ahaha,,, kilos pagong ka kase!" pang aasar niya

"hoy! Bakla ka, anong kilos pagong?! " kunwaring naaasar na tanong ko

"sabihin mong hindi!?" banta niya

"hoy! Medyo malayo lang talaga kase bahay namin kaya ako nalelate!"

"lumipat kana kase sa tabi ng unit ko, para mas malapit"
suhesyon niya

"ts! mukhang malabo, parang ayaw ni daddy"

"ha? Bakit naman? "

"bata pa raw ako, nag aalala siya sa akin, mas kampante daw siya kung nandoon ako sa bahay"

" eh nandon naman ako te, pader lang ang magiging pagitan natin"

"ah, hehe" naalala ko iyong sinabi ni daddy "malambot ka daw kasi te, ahaha "

"ano?! Grabe naman iyang si tito! Kahit bakla ako kaya kitang protektahan! Gusto mo ako ang kakausap sa kaniya, kung ayaw parin niya doon kana lang tumira sa akin, itatanan kita!" Derederetsong aniya

Itatanan kita!

Itatanan kita!

Itatanan kita!

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon