chapter 4

60 5 0
                                    

MARAE's POV

Nandito kami ngayon sa isang Korean resto ng isang mall na malapit lang sa iskwelahan namin. Gaya nga ng sinabi ko kaninang umaga ako ang manlilibre ngayon, at ang mga loko sinagad umorder! Sana lang maubos namin lahat to. Eat all you can kasi, Samgyoepsal kaya ayan, para masulit daw ramihan na nila ang kakainin. Eh ang kaso titingnan ko palang parang malabo ng maubos namin iyon, o sadyang gutom na gutom lang talaga sila.

"Grabe naman pala si Zeus, " ani Zoie

Kinuwento kasi ni Andrae iyong nangyari kanina, pati narin iyong ginawa ni Zeus.

"Sinabi mo pa teh," pagsang-ayon naman ni Andrae

"Eh kamusta ka naman Trish? wala naman bang masakit Sayo?" Nag aalalang tanong ni Zoie

"ah, sumakit lang kanina itong balakang ko, pero okay naman na ako"sagot ko naman

Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari kanina. Nakakahiyaaa!!!! Lahat talaga ng taong nandoon napatingin sa akin. Sobrang nakakahiyaaa!!!! Kainis!..
Buset kasi iyong Zeus na yon eh!
Humanda kang mokong ka! Gagantihan talaga kita!..

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin agad kami sa DFHS. Balak pa sana naming gumala at tumingin ng mga maaaring bilhin ngunit wala ng oras. Himala namang naubos namin ang lahat ng pagkaing inorder nong dalawa.

Ng makapasok na kami sa room ay agad na rin kaming nagsiupo sa kani-kaniya naming upuan.

Nagulat naman ako ng nakadungaw na sa akin ang mokong na abot tenga ang ngiti. Halatang nang-aasar

Ts! Kainis talaga!..

Agad ko naman siyang tinaasan kilay "what are you looking at?" Mataray na tanong ko

"I just want to know if you're okay, " kunwaring nag-aalalang aniya

"Ano sa tingin mo? Matapos nong ginawa mo kanina, sa tingin mo ba magiging okay ako?!"

"Huh! Iyan ang napapala ng mga taong bumabangga sakin. That was just the beginning miss Olivarez, I am not done yet. Hintayin mo, dahil may kasunod pa" seryosong aniya. Nagbabanta

Huh! Sa tingin mo magpapasindak ako sa iyo?..

"Oh! I'm scared!" Kunwaring natatakot na sabi ko

"Gusto mo ng laro? Okay, pagbibigyan kita. But I will make sure, na ako ang tatapos ng larong sinimulan mo" mataray na dugtong ko

Hindi kita uurungang mokong ka!

" Ooh... sounds interesting"tatango tangong aniya "should i prepare myself too?" Tanong niya

"Yeah, you should... dahil baka bukas makalawa,matitikman mo na ang ganti ko"

"Okay then, I'll wait for it" mayabang na sagot niya

"Huwag masyadong pakampante mister Dela Fuente, dahil kahit kayo pa ang nagmamay-ari ng paaralang ito, Hindi ako matatakot na labanan ka"

"Huwag ka ring puro satsat miss Olivarez," inilapit niya ng bahagya ang kaniyang mukha sa akin. "Gawin mo" aniya na nginisihan pa ako saka umayos ng pag-upo.

Yabang! Umpog ko kaya to sa pader!? Tsh!

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin si sir Ignacio. MAPEH teacher namin.

*************

DANIEL ZEUS's POV

ahahaha.. . . Andali talagang mapikon nitong babaeng ito. . . Ahaha....

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon