Chapter 9

54 4 0
                                    

ZEUS's POV

      Kararating ko palang dito sa DFHS, kasalukuyan akong naglalakad ng masilayan kong paparating si Marae sakay ng kanyang motorbike. Naka helmet man ay sigurado akong siya iyon dahil nakita ko narin siya dati sakay ng motor na iyon. Napatingin siya sa akin ng madaanan niya ako. Ganon nalang ang pagkamangha ko ng ganon lang niya kabilis na naipark ang motor niya sa napaka liit na espasyo. May mga nakapark na rin kasi sa parehong katabi ng pinagparkan niya at nakuha pa ng isa ang ibang espasyo na dapat para sa kaniya. Sabihin na nating maliit lang ang kakailanganing espasyo para sa motor pero kahit sino mahihirapan, kahit ako.

Agad naman akong pumunta sa gawi niya.

"What?" Mataray na tanong niya

Kailan ba ito makakausap ng matino? Napaka sungit!

"Sabay na tayo?" Tanong ko

Hindi na niya ako sinagot at nanguna nalang sa paglalakad.

Hindi ko na siya kinulit at naglakad nalang din ako kasunod niya.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nasalubong ko si Ali.

"Hey dude! What's up!?" Bati niya

"Hey!" Tipid namang ani ko

"Baka may gusto ka nanamang ipagawa sa akin?" Tanong niya

Bigla kong naalala ang ginawa ni Marae sa akin noong isang Araw. Mukhang ito na ang tamang oras para gumanti. Haha! Lagot ka ngayon!....

"Naks! Ngiting ngiti. Mukhang sakto ang pagkikita natin ah" Ali

"Mukha nga" tatango tangong sagot ko

"So ano? Same person? " tanong niya

"Yeah" tipid na sagot ko

"Okay... (tatango tango) what's the plan?" Muling tanong niya

Napaisip ako bigla. Ano nga bang plano ko?

" wala pa eh, may maisa-suggest ka ba?" tanong ko naman sa kaniya

"Ah--eh... wala rin dude, alam mo namang sa ating dalawa ikaw ang magaling pagdating sa pagpaplano"

Sabagay, ako kasi ang taga plano ng mga kalokohan namin noon.

"Eh kung gawin nalang kaya natin iyong mga ginawa natin noong elementary? Biglang suhestiyon niya

"Oo nga no, why not?"

" Gawin natin iyong sa harina?" Muling suhestiyon niya

Maganda nga iyon,

"Sige sige" ngiting ngiti namang pagsang ayon ko

"Saan natin iyan gagawin? "

"Sa locker, alam mo ba kung saan ang locker niya?"

"Ah oo, lagi ko siyang nakikita na kumukuha ng gamit niya doon "

"Good... so, ikaw na ang bahala ha"

"Sure! Just don't forget my tip" aniya na inilahad pa ang kaniyang palad at tinapik tapik pa ito

Hahaha!!! Hindi parin nagbabago

"Hahaha...I won't forget "

Ng matapos na kaming mag-usap ay naglakad na rin ako patungong classroom.

MARAE's POV

Nagulat ako ng bigla nalang ako nilapitan ni Zeus at yayaing sumabay. Dahil hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nalang sa paglalakad. Tsh! May binabalak na naman siguro ang mokong...

Prank LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon