CHAPTER 9

45 40 0
                                    

Chapter 9

Matapos kong makapag-paalam ng maayos sa kanila lumabas na ako ng bahay para pumunta sa kung saan. Walang patutunguhan pero kahit na basta kahit san ako dalhin magpapadala ako.

Sa paglalakad ko napansin kong walang tao. Luminga-linga ako para maghanap ng tao pero wala. Bakit kaya?

Naglakad pa ako sa tabi ng daan baka masagasaan ako kung magpapagitna ako. Pero isa pa ang napansin ko ay wala ding mga sasakyan na nagtatakbuhan sa kalsadang ito.

Ano ba talagang meron?

Bakit ang tahimik ng paligid? Bakit ako lang mag-isa dito?

Tinungo ko ang daan patungong syudad. Malayo pero maraming bahay ka namang madadaanan.

Sa tagal ng paglalakad ko bigla akong may nakasalubong na babae.

"T-Tulungan mo ako! P-Papatayin n-nila ak-o," lakas ng kapit niya sa'kin animo takot na takot.

"T-Teka ano bang nangyari?" Naguguluhan kong tanong.

"D-Doon."

Tinuro niya ang likuran ko kung saan patungo sa syudad. Nagulat ako dahil dito ko na nakita ang mga taong kaninang hinahanap ko. Nagtatakbuhan, nag-iiyakan, may nadadapa at iba-iba pero mas lalo akong naguluhan dahil may mga taong naglalakad at iba ang mukha nila parang maskara at kamukha nito ang mga killer sa wrong turn.

Ano ang ibig sabihin nito?

Bakit may dala silang kutsilyo na kagaya ng dala ni...Kuya?

May mga dugo.

Naramdaman kong tumakbo na ang babaeng kasama ko kanina. Maraming mga taong nagtatakbuhan patungo sa direksyon ko at nilalagpasan ako. Nababangga ako minsan pero di ko man lang magawang matinag. Kakaiba ang mga nangyayari ngayon, hindi normal at kadalasan sa palabas lang 'to nagaganap pero bakit umabot dito sa reyalidad ko?

May nakita akong nadadapa at tsyamba naabutan ang mga 'to kaya ang labas kita ko na naman mismo sa harap ko ang pagbulwak ng dugo. Pagkalat nito sa sahig dahil sa paulit-ulit na saksak na natamo nila galing sa mga taong di nakikilala dahil sa suot na maskara. Wala silang awa dahil kapag nasigurado na nila na patay na talaga ay iiwan na lang nila dun at hahanap na naman ng iba.

Puno ng iyakan at pagmamakaawa ang bumalot sa paligid. Marami ang tao pero mas marami silang nakamaskara. Marami nang mga taong nakahiga sa lupa at nababalutan na ng maraming dugo. Ang amoy ng mga ito ay hindi naayunan ng ilong ko. Nakakasuka dahil sa nakakasulasok na amoy.

Napaatras ako ng matutukan ang mata ko na may isa sa kanilang papunta sa direksyon ko. Hindi ko makita kung ano ang totoong reaksyon niya sa loob dahil sa maskarang pangit gaya ng wrong turn.

"B-Bakit naging g-ganito—?"

Napaupo ako ng may bumangga sa'king isang tao galing sa pagtakbo. Naglalakad pa rin ng pasimple ang taong may dalang kutsilyo papunta sa'kin. Hindi ako makatayo dahil parang naitulos ako nung may dumaan sa gilid niyang babae at hinila niya ang buhok nito tapos walang pakundangang sinaksak ito sa may di kalayuang harap ko. Bagsak sa sahig at wala na itong malay, madali itong napalibutan ng sariling dugo.

DOUBLE DREAM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon