CHAPTER 11

46 35 0
                                        

Chapter 11

"Aaaack!" Lakas ng tunog ng pagkakabagsak ko.

Eto na ba? Patay na ba ako? Kasi kung oo haha sasaya na ako.

Wala na akong nararamdaman, naging manhid lahat at parang wala na ako sa mundo.

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko. Gulat ako dahil naigalaw ko iyon.

Bakit?

Patay na ako eh!

Bakit naigagalaw ko pa ang mga kamay'ng to?

Pinakiramdaman ko ang pinagbagsakan ko. Matigas at amoy init at alikabok.

Kung kalsada nga ang pinagbagsakan ko bakit di pa ako namatay? Sa taas ng tinalon ko?

Sinubukan kong tumayo at isa pang nakakamangha ay nakatayo ako pero ang sakit ng buong katawan ko. May mga gasgas ako at dugong tumutulo galing sa ulo.

Tumingin ako sa paligid sabay hawak sa sarili.

Nasa ibang mundo na ba ako? Andaming sasakyang nakikita ko ngayon. Angganda tingnan parang ang tahimik ng mga tao at parang walang mga problema ang mga nagmamay-ari ng mga ito.

Buhay pa talaga ako. Bakit?

Immortal ba ako?

Humakbang ako para tumawid. Nakatawid ako sa unang side. Huminto ako dahil baka masagasaan ako kung didiretso ako. Napapagitnaan ako ng sasakyan ang bilis makaandar kaya kinabahan ako kung gagalaw pa ba ako.

Patawid na sana ulit ako ng may marinig akong pagbagsak. Nilingon ko yun para alamin at laking gulat kong makita ang taong papabangon na mula sa pagkabagsak. Ang taong nakamaskara na may dala pa ring kutsilyo. Kuminang pa yun dahil nasinagan saglit ng araw.

Bumagsak din siya kagaya ko? Pero bakit parang wala lang sa kanya? Imposible talaga. Anong ibig sabihin ba talaga nito? Immortal ba kami?

Tumingin siya sa'kin at sa takot ko nagmamadali ako sa pagtawid. Wala ng pake kung masagasaan pero parang di naman sila mananagasa. Humihinto sila eh. Tumawid ako at lingon sa likuran ayun siya nakasunod. Seryoso siya papunta dito.

Pero gaya ko di din naging madali ang pagtawid niya. Maraming sasakyan kaya mahihirapan siya.

Ang ginawa ko pumara ako ng kahit ano para makalayo dito. Walang pumansin sa'kin o kahit huminto lang ni isa. Nagsisimula na naman akong maiyak. Tumuloy nga ang luha ko sa pagkawala.

Naiiyak akong nagmamakaawang pumara dahil papalapit ng papalapit na siya.

"P-Pakiusap. Huminto kayo pasakayin niyo po ako," panay ang kaway ko.

Wala pa ring huminto. Konti na lang makakalapit na siya sa'kin at mapapatay na ako.

Akala ko ba gusto ko nang mamatay? Bakit parang ngayon ayaw ko na? Na tinatakasan ko na ang kamatayan? Dahil ba sa natakasan ko ito kanina ay lumakas ang loob ko dun?

'Ang wish ko ay mabuhay ng matagal tapos mga 100 edad ko bago mamatay. Gusto ko pa makita ang mundo ng matagal kasama sila Mama, Papa, Kuya. Yey!'

DOUBLE DREAM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon