-Revelation Part 2-
Ipinanganak ko ang batang lalaki. Si George ang nagpangalan nito dahil siya daw ang dapat.
Di ko lubos maisip na may anak na ako gayong 16 years old pa ako. Pero kahit ganun buong puso ko pa rin siyang tinatanggap. Nagpapasalamat pa rin ako dahil sa dumating na bagong anghel sa buhay ko.
Oo, masaya ako dahil nakakasama ko sila Mama, Papa at Kuya. Mahal na mahal ko sila higit na ang anak ko. Ang di ko lang talaga matanggap-tanggap ay ang lalaking nakakasama ko araw-araw na araw-araw ko ding kamumuhian at sinusumpa.
Sa bawat araw na nakikita ko at habang hawak na niya ang anak ko, namin ay nakikita ko ang saya sa mukha niya. Pati sila Mama at ang lahat ng mga taong nakapaligid sa'min. Ang saya-saya nilang lahat.
Ako lang ata ang malungkot dahil sa isiping bumabagabag sa'kin simula nang ipinanganak ko si Ken. Alam kong...alam kong pagdating nang araw ay kakaharapin na niya ang responsibilidad na nakaatang sa kanya gaya ng sabi ng Papa niya.
'May misyon ka pang kailangang gawin para sa'kin.'
'Ang misyon mo ay pakasalan ako at bigyan ng anak para maging tagapagmana ko sa susunod.'
Ngayon unti-unti ko nang naintindihan ang mga sinabi niya noon.
Ang ikinabahala ko lang ay ano ang ibig sabihin ng 'May gagawin din ako...'
Anong gagawin niya?
"Mamaaaaaaaaa!" Tiningnan ko ang batang nasa paanan ko.
Nakadipa siya animo nagpapakarga. Uminit ang gilid ng mata ko at sumikip ang dibdib ko dahil di ko maiwasang maisip ang mga mangyayari sa kanya sa hinaharap.
"Mamaaaa!" Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag niya ulit ako.
Kinarga ko na siya at naglakad ako palabas para ipasyal-pasyal siya. Hilig niyang mamasyal, yun kasi ang nakasanayan niya.
Di man maganda ang pakikitungo ni George sa'kin ay balewala lang yun dahil andito naman si Ken ang anak ko na sinasabihan kong magpakabait.
Si George ay 18 years old pa. Sooobrang bata pa talaga namin para mag-kaanak.
Dahil sa isipin na palaging gumugulo sa'kin ay naisip ko na lang na tumakas. Para rin naman to sa kapakanan ni Ken.
Magti-three years old na siya nang isagawa ko ang pagtakas karga si Ken. Itatakas ko siya at magpakalayo-layo kami at di na muling babalik dito sa impyernong 'to.
Wala si George dahil nasa isang pagpupulong sila kasama ang kanang kamay niya na si Madelaine Reyes.
Pagkakataon nga naman sadyang hindi kami pinapaboran. Nahuli kami at si George galit na galit.
"Hah! May balak ka palang itakas ang anak ko!" Inis niya akong ingingodngod sa sahig.
Walang nagawa sila Mama dahil wala silang laban sa kanya kahit pa sabihing bata pa siya.
"Ang kapal mong babae ka!"
"Aaarayyy! Please, ang s-sakit!"
Iniuntog pa niya ako ng malakas pagkatapos sa harap pa mismo nilang lahat na nanonood lang.
Wala akong ibang tanging nagawa kundi ang umiyak na lang. Umiiyak na din ang anak ko.
"Come to Papa," aniya sa anak namin.
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Mystery / ThrillerThere is a girl named Antoniss Vel Sache. She is desperately chased by 'Death'. But our most powerful and kind warns her through a dream which can never be forgotten or will really never be forgotten. It will serve as a whole life nightmare to her...