Chapter 4
From: George
Mall?
25 minutes ago
Nagbihis na agad ako matapos kong mabasa yun. Ilang araw na ang lumipas simula ng sagutin ko siya at 'kami na nga'. Di ko na pinatagal pa ang mga sabi-sabi kunong ligaw-ligaw dyan. Gusto ko nang makaranas kung ano ang meron sa isang relasyon. Kahit na 15 pa ako oobata pa yan sa tingin ng iba. Pero pake ba nila sa'kin.
Walang may pake kahit sila Mama at Papa kasi hindi kailanman nabaling ang atensyon nila sa'kin kahit kelan. Vien na lang palagi! Kaya kahit na siguro mabuntis ako ng maaga wala pa rin silang pake. Hindi sila masasayangan sa'kin kasi nga wala silang PAKE SA'KIN! Ano kayang purpose ko dito sa mundo kung bakit pa ako pinanganak kung di naman pala nila ako mabalingan? Ang silbi ko ba ay para kay George? Sana nga sa kanya na lang. Payag na lang din ako. Wala na akong maipipintas sa kanya.
Hindi na ako nagpaalam sa mga tao dito sa bahay. Alan niyo na kung bakit. Mali man pero kailangan ko yung di gawin. May maipanlalaban pa rin akong rason.
"Nagpaalam ka ba?" Tanong no George pagkapasok ko sa kotse niya.
Naka-park siya kanina sa may di kalayuan para sunduin ako. Ako ang may sabi na wag sa harap mismo dapat medyo malayo para wala ng satsat ang mga yun.
"Hindi. Wala naman silang pake sa'kin!"
"Pero dapat nagpaalam ka pa rin. Pamilya mo pa rin sila kahit may galit ka pa dapat pinanatili mo ang nakasanayan na dapat gawin ng mga anak. Kahit wala na silang pake sa'yo dahil yun ang sabi mo. Basta lang may alam sila kung san ka nagpunta okay na yun. Alam natin na mag-alala pa rin sila at hahanapin ka nila. Anak ka din nila," nanatili lang akong nakikinig.
May alam na siya sa lahat tungkol sa'kin. Kinwento ko sa kanya lahat walang labis walang kulang. Kaya ganyan siya makasalita sa'kin. Hindi ko naman siya gustong kontrahin kasi may alam na ako tungkol sa kanya. Magaling siya sa mga sasabihin niya at pinipilit niyang ipaintindi sa'kin ang lahat ng problema ko. Sinasabihan niya ako at tinutulungan, dinadamayan pero wala naman siyang ginawang hakbang na di ko magugustuhan. Aayon lang din siya kung anong gusto ko, ako din. Ganun kami nag-aayunan para walang gulo.
"Pero pano kung di na naman nila ako payagan. Pipigilan na nila ako. Alam ko na kung anong ugali meron sila."
"Ikaw ang dapat umintindi."
Yun lang ang sinabi niya pero alam ko na ang ibig sabihin. Malalim pa sa balon.
"Oo, sa susunod." Malungkot kong sabi.
"Wag mong isipin na pinapagalitan kita. Sinasabi ko lang yun di yun sermon."
Tinanguan ko lang siya. Akala niya talaga yun, ah? Pero sa to too sumama din ang loob ko.
Umalis na kami. Sa Mall ulit ang punta namin wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ilibre lang ako ng pagkain at ipasyal.
Naglalakad kami habang magkatabi ngayon.
"Sino nga pala ang ex-girlfriend mo?"
"Di mo kilala yun," sagot niya.
"Bakit nga pala kayo naghiwalay? Uii, wag kang magagalit nagtatanong lang ako."
Nginitian niya lang ako,"..hindi ako kailanman magagalit. Alam mo yan lalo na...sa'yo."
"Oo. Pano nga?"
"Naghiwalay kami dahil sa hindi ko nagustuhan ang ugali niya. Ang habol lang pala sa'kin ay sex. Sabihan daw ba ako na mag-sex kami at nalaman ko na yun lang talaga ang habol niya sa'kin. Manyak ang babaeng yun. Di ako pumayag syempre bata pa ako at wala pa akong alam dun. Sino din bang papayag? Tanga na lang. Ayaw ko sa ganun kaya ako na ang nakipaghiwalay."
Nakinig lang ako at napatango-tango.
"Ganun pala. Mukha ngang kakaiba ang ex mong yun."
"Oo. Madelaine Reyes pangalan niya."
"Buti pumayag din ang Madelaine na yun na makipaghiwalay ka?"
"Nung una di pa, panay ang habol at pakiusap na wag ko siyang hiwalayan kasi mahal daw niya ako. Nadala lang daw siya at sabing di na mauulit pa. Di pa rin ako nagpadala ulit at buti di na siya nanggulo pa. Baliw ang babaeng yun. Manyak pa!" Nakita ko siyang napangiwi at parang may alala nga siyang di maganda sa babaeng yun.
"Iayos mo nga yang mukha mo!" Pinalo ko siya aa braso habang nakatawa. Tumawa naman siya.
"Naniniwala ka ba na baliw at manyak ang babaeng yun?"
Napatingin ako sa kanya ng itanong niya yun. Parang iba pero babalewalain ko.
"Oo naman. Obvious na sa mukha mo noh?"
"Pero pag nakita mo siya, ah? Pakilala mo o di kaya'y ituro mo na lang kahit sa malayo basta may clue ako kung sino siya."
"Sige." Sagot niya.
Napatingin ako sa harapan at sakto may magandang babae kaming nakasalubong. Napatingin ito sa'min ni George. Nung tumingin siya sa'kin at ng magtama ang mata namin ay parang may pinaparating ang mga mata niya. Di ko maintindihan kung anong meron sa tingin ng babaeng yan? Sa katabi ko naman siya tumingin at mas lalo akong nagtaka kung bakit may dumaang takot sa mga mata niya.
Sino ba siya?
Bumalik ulit ang tingin niya at ayan na naman ang tingin niya kanina na hindi ko alam kung ano?
Nasundan ko siya ng tingin ng nalagpasan niya kami. Pero parang iba ang kilos niya parang nakikisabay pa siya ng madalian sa agos ng tao. Parang umiiwas?
"Siya yun," sabi ni George.
"Huh? Sino?"
"Si Madelaine ang ex ko. Pansin mo yung babaeng tumitig sa'tin. Siya yun," napa-aaahhh ako.
Ngayon alam ko na. Andali na lang talaga ng hiling ko simula ng makilala ko si George. Napansin ko yun!
"Pero bakit iba ang mga tingin niya?"
"Alam mo na baliw!" Sumang-ayon ako.
Tapos niyaya niya na ako. Punta daw kami sa isang Toy store. May nakita daw siyang magandang Teady Bear dun. Malaki at bibilhin niya daw para sa'kin. Nagalak ako at may ngiting pumaskil sa labi ko.
May nakalimutan pala akong sabihin,"..ang ganda pala ni Madelaine, eh? Mas maganda pa sa'kin awoooo!"
Napatingin siya sa'kin.
"Hindi mas maganda ka pa rin, Vel."
My name is Antoniss Vel Sache at grabe sobrang saya ko sa araw na ito. Akalain niyong first time na may magsabi sa'kin na 'maganda ako?' Kauna-unahan pa lang yan. Nalulunod na ako sa saya at kilig lalo na't nanggaling pa mismo sa bibig niya. Na hindi ko pa narinig kahit kailan sa kahit na kanino. Sabi na eh nag-iiba na ang takbo ng buhay ko simula ng dumating siya. Siya na ang pumuno ng lahat. Hulog na ba siya ng langit? George Velasco is his name at siya ang boyfriend ko na nagpaparamdam sa'kin ng hindi ko pa naramdaman simula nung una. I know you know what I mean.
03-03-21—isinulat ko.
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Mystery / ThrillerAntoniss Vel Sache is being hunted-by Death itself. And it's not just a figure of speech. One night, she receives a terrifying dream-a warning from a powerful, mysterious being. It wasn't just a nightmare. It was a vision. A curse. A premonition she...
![DOUBLE DREAM [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/253587311-64-k679917.jpg)