Chapter 13
Hawak ko ang planggana sa harap ko at naglakad patungo sa may tabay. May huhugasan akong konting plato, para wala nang hugasan mamaya.
Matapos kong maghugas kinarga ko ulit yun at bumalik sa bahay. Nakakasalubong ko pa sila Efren na nagtatakbuhan papalagpas sa'kin. Binati pa nila ako kaya natawa ako ng sobra.
"Oh! Vel, andyan ka na pala. Halika kain ka muna, kanina ka pa hindi kumakain eh," ang mga salitang yan ang bumungad sa'kin pagkapasok ko sa loob galing kay Ante Joy.
"Sige po Ante. Mamaya na po. Tatapusin ko muna 'to para wala na—"
"Aaayy nakuu tumigil ka. Pumunta ka dito. Wag mo na muna yang isipin. Kain ka muna, kapag ikaw bata ka nalipasan. Nakuuu!"
"Kain ka muna dito Vel," si Uncle.
Napapakamot akong naglakad papalapit sa kanila.
Ang kulit nila. Ang saya lang isipin na dito ko nahanap sa kanila ang hinahanap ko noon sa pamilya. Gusto ko ding maranasan ito noon.
Masaya ako dahil naranasan ko din kahit papano ang matagal ko nang inaasam na katangian na meron sa isang pamilya.
Nagsisimula na kaming maghanda ng simple para kay Samuel.
Simpleng handaan pero bibo na. May mga handa naman kahit papano.
Sumapit ang gabi at dun na ako naghugas ng lahat ng pinagkainan namin kanina. Di kasi ako nila pinaghugas kasi mamaya na daw.
Nasa likod bahay ako pero may konting ilaw naman. Oo, kakakabit pa lang nila kanina ng kuryente para daw may ilaw kahit papano lalo na't birthday ni Samuel.
Sumisilip-silip ako sa kinaroroonan nila. Kita naman sila. Walang imik kong pinagpatuloy ang paghuhugas hanggang sa may naaninagan akong mga taong paparating, marami sila. Mga nakaitim galing sa kalsada at patungo nga dito.
Di muna ako gumalaw at tiningnan silang maigi. Hinihintay kong mailawan sila para matukoy ko kung sino ang mga taong 'to. Ayos lang naman ako dito sa kinatatayuan ko dahil di naman ako makikita kaagad dahil medyo madilim dito.
Nakita kong biglaang napatayo si Uncle Roger pagkakita sa mga taong paparating. Alam ko kung bakit dahil pati ako ay binalot ng kaba dahil sa mga pamilyar na maskara.
Ang maskarang nakakatakot dahil sila yung mga pumapatay ng tao at sila yung gustong pumatay sa'kin.
Umupo ako at nagsumiksik sa ilalim para magtago. May butas na maliit kaya sumilip ako dun para malaman pa kung anong mangyayari.
"Narinig naming kaarawan daw ng isa sa mga anak mo, Roger?"
Di ko narinig na sumagot si Uncle.
"Andito kami para maki-selebra. Nakakakapal man kung titingnan ay pasensya na. Di mo kasi kami inimbita, nakakasama naman ng loob yun." Patuloy ng kung sinong nasa pinakagitna.
"Pasensya na Mas—"
"Shhhh!" Nilagay niya ang hintuturo niya sa mismong bibigan ng maskara para tumahimik si Uncle.
"Don't you ever say my name. It's restricted you know it, Roger!" Base sa pananalita niya ay iba na ang pakiramdam ko delikado na ito.
"Ba't hindi mo nga pala kami inimbita?"
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Misteri / ThrillerAntoniss Vel Sache is being hunted-by Death itself. And it's not just a figure of speech. One night, she receives a terrifying dream-a warning from a powerful, mysterious being. It wasn't just a nightmare. It was a vision. A curse. A premonition she...
![DOUBLE DREAM [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/253587311-64-k679917.jpg)