CHAPTER 1

75 53 2
                                    

Chapter 1

"DAPAT color pink kwarto ko, Mama." Pag-aaru ko kay Mama.

Bumili kasi kami ng bagong bahay. Kailangan na naming lumipat at bumili ng bagong bahay. Kundi baka sa tabi-tabi kami matutulog. Kasusunog lang kasi ng bahay namin. Nang dahil yun sa 'Kuya' ko. Naging pabaya siya, kaya natumba ang kandila na nakasindi sa kanyang kwarto ng gabing yun. 'Di niya inisip na maaaring makakaapekto yun at makakapaglugmok sa buong pamilya.

Bakit kasi pabaya siyang tao at walang pakealam? Yan tuloy! Pero buti walang nasaktan sa'min.

Isa pa di man lang siya nagsabi sa'min ng kahit ni kititing na 'sorry kasalanan ko naging pabaya ako' buang ba siya? Sa halip din na pagalitan nila Mama o sisihin kahit ni konti. Kinunsinti pa nila. Kaya ganyan yan eh. Matigas ang ulo at palaging nagpapasaway. Yan! Yan! Kunsintihin niyo lang baka di niyo asahan isang araw bigla na lang kayong 'matigok'.

Pakshet!

"Ma, pink color ng roo—" di ko na natapos.

"Wait ka lang, Honey." Sabi ni Mama tsaka sinenyasan ako ng mamaya na.

"Vien! Ano color black with matching red pa rin ba gusto mo kulay ng kwarto mo?" Tanong ni Mama sa buang na kuya ko. Sa halip na sumagot, inismiran lang siya nito. Kapal talaga nitong kupal na to!

"Oo nga, son. Ganun pa rin ba ang kulay katulad ng dati mong kw—"

"Will you both shut the fuck up?!" Malakas niyang sabi at padabog itong umalis kung nasaan kami ngayon.

Ganyan na ganyan yang buang na yan. Tingnan niyo, ginaganyan ba ng mga anak ang mga magulang nila.?

Bastos! Yawa siya!

"Ano?! Ano sinagot ba kayo? Sinagot kayo ng maayos, noh? Masaya na kayo?" Sarcastic kong tanong sa kanila,"..ako ang may sinabi para maglabas ng kung anong gusto ko, 'di niyo pinagbigyan ng pansin. Kahit ni konti! Ma?!" Pagtawag ko rin sa kanila, naiiyak na ako.

"A-anak niyo rin ako! Ma?! Pa?!" Naiyak na nga ako sa harap nila,"..subukan niyo rin akong pakinggan minsan. B-baka....ayaw ko sanang sabihin to pero kailangan na eh. Mapag-sisihan niyo rin ito pagdating ng panahon!" Patuloy ko at umalis na din kagaya ng ginawa ng gago kong kapatid. Alam kong nakatingin sila sa'kin. Kahit na tinatawag na ako ni Mama at Papa ayaw ko pa rin silang lingonin.

Naiinis ako at nalulungkot. Naiinis dahil may favorite sila sa mga anak nila, at si 'Kuya!' yun. Nalulungkot ako dahil kahit kelan 'di pa napakinggan ang mga gusto ko. Vien! Vien! Vien nalang palaging bukambibig nila. Di nila inintindi na may isang anak pa pala sila na nasasaktan na nila. Simula noon pa man! Wala pa! Kahit kelan! Kelan kaya? Kelan kaya nila ako maituturing na parang si 'Kuya'. Naiinggit na ako simula pa man. Wish ko na yan palagi. Pero parang di man lang naririnig ng pinakamakapangyarihan.

Sana dumating na ang panahon na yun, noh? Pero kelan pa 'pag patay na ba ako?'.

Napatawa nalang ako na parang baliw dito sa isang tindahan na nahintuan ko.

Sana hanapin nila ako at sabihing 'honey uwi ka na. Sorry na honey!'. Pero alam kong hindi yun mangyayari. Sa halip na ako ang hanapin kasi babae ako at baka magahasa sa isang tabi. No! Si kuya pa. Hahayaan nila akong magkusang umuwi.

Umasa ka na lang sa lupa self! Sasaluhin ka nila pag namatay ka na! Lupa naman talaga ang sasalo satin eh. San ba tayo ililibing. Diba sa lupa rin?

My name is Antoniss Vel Sache ako ay umiiyak ngayon habang tumatawa mag-isa sa isang maliit na tindahan na ito. At, kailangan ko ng pansin at p-pagmamahal. Kahit pagmamahal lang. Pagmamahal lang ang kailangan ko. W-wala ng iba........pa.






01-04-21—isinulat ko.

DOUBLE DREAM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon