lii.

30 2 0
                                        

(Tyler)

Dahil isang linggong hindi umuwi si Tyler ng bahay dahil sinamahan nya si Georgina na mag-stay sa hotel ay may dala-dalahan itong mga labahan. Paguwing paguwi nya ay ramdam nya ang pagod. Ginabi na sya ng uwi dahil binalikan pa nya sa hotel ang mga naiwan na gamit. Dumirecho sya sa kusina para maghanda sana ng makakain. Alam nya na basta sabado at maaga ang uwi ni Franc sa trabaho ay nagluluto sila Manang Norma either ng paborito nya o ng paborito ng kuya nya. 

Inilapag nya sa may sahig sa may kitchen ang mga bag na may laman na mga lalabhan para madaling makita ng mga kasambahay sa susunod na araw. At sya naman ay nagsimula ng magkalkal sa ref ng pagkain.

Hindi nya namalayan na nakasunod sa kanya ang kapatid nya at may dalang tasa ng kape. Dahil sanay na si Tyler na bihirang bihira lang sila magkasama ng kapatid sa bahay ay kahit siguro madaan daanan na nya to kung saan ay halos di na din nya napapansin.

“I didn't know you wear red thongs?” nilingon nya ang pinagagalingan ng boses. Pagtingin nya ay si Franc at may hawak na red na underwear galing sa bag na dala nya.

Bumalik sya sa pag-hahanda ng pagkain nya. “That’s Georgina’s. She must have left that. You can keep it if you want.” sarcastic na sagot din nya.

“Nah. I don’t do thongs.” lumapit si Franc sa ref na kinakalkal ni Tyler. May inilabas sya na tupperware mula sa may top compartment. “Here. Ito yung niluto kanina. Eat this, left over yang kinuha mo kagabi pa.”

“k, thanks.”

Lumakad na ulit si Franc palapit sa may pintuan. “Ok, Goodnight Ty.”

“Night.”

Paghiga ni Tyler sa kama nya that night kahit na pagod ay di sya dinalaw kaagad ng antok. Kinuha nya ang bola ng basketball at pinaikot ikot sa kamay nya. He really felt bad about Kira and Chachi. Siguro if Kira had asked me like months ago na kanya na lang si Chachi I would have easily said yes. Pero ngayon kahit papaano naman napamahal na sa kanya yung aso. Sabi nga nila having a pet is a commitment. Kailangan din ng konting sakripisyo. On his part hindi naman ganun kahirap eh dahil he has the means. Eh kay kira, pagka nakakalimot ako kailangan pa nya mag-commute. Ang problema kasi sa kanilang dalawa, minsan hindi sila nakakapag communicate kung sino ba ang susundo, sino ang maghahatid. Gano katagal na kaya sya may cellphone? Would it kill her to text me? Hindi naman yata kabawasan yun sa kanya. Or baka naman talagang ayaw lang nya. Mas okay pa na mahirapan sya kesa magtext o tumawag man lang. Nakakainis. Hindi naman kaya nagkukuripot sa load? But she would go to that extent for Chachi? That really says something about her character. Ang ayaw ko lang sa kanya, may sa multo ata sya. Bigla bigla na lang nawawala. Kung girlfriend ko sya ipoposas ko sya sa kamay ko ng di laging nawawala. Wait what? Kira? Be my girl? Ahahaha. What was I thinking? Erase. Erase. Makatulog na nga.

(Kira)

Hindi ako makatulog kahit patang pata na katawan ko sa pagod. Dapat pagka sabado nag-rerelax ako, nagpapahinga dahil 5 days na-drain ang energy ko sa school. “tama naman sila eh, hindi ka na puppy. Technically, puppy ka pa pero hindi ka na maliit. Ang laki na ng nilaki mo simula ng napulot ka namin ng daddy mo.” sabi nya kay Chachi habang katabi nya sa kama. Nakatingin lang ang aso sa kanya at nagpakawala ng yawn. “Daddy? Daddy ba sabi ko?” tanong nya sa sarili. Sa mga panahon na sinusundo ko si Chachi maswerte lang ako na nakakasakay ako sa mga jeep na may mababait na driver. Talagang nakikiayon pa din ang tadhana sa akin. Pero tama nga sila, hindi kita dapat ipinagsasapalaran parati sa kalsada. Paano na lang kung mabitawan kita, o mawala ka naman. Paano kita hahanapin? 

I Don't Like You Like ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon