SA LIBRARY
Dumirecho sila sa isang lamesa. Inilapag ni Kira ang gamit sa ibabaw nito at si Tyler naman ay umupo na sa may upuan para magsimulang kumopya. Pagkatapos noon ay dumirecho na si Kira sa mga bookshelves para pumili ng libro na gagawan ng report.
Nakakuha ng limang libro si Kira na pagpipilian at dinala nya iyon sa lamesa. Normally, nag aalala si Kira na makita sya na kasama si Tyler out of the classroom sa school. Pero dahil pre-occupied sya ay hindi na nya inintindi yun.
(Kira)
“Matagal ka pa ba?” Natapos ng icheck-out ni Kira ang mga libro pero si Tyler kumokopya pa din ng notes.
“This is as fast as I could write.” matipid na sabi ng kausap habang nakapangalumbabang nagsusulat.
Pumangalumbaba si Kira sa lamesa. “Ilang page pa?”
“Pwede ba? Wag ka maingay mas matatagalan ako lalo kakatanong mo eh.”
“SHHHHH!” sabi ng librarian sa kanila.
Itinikom ni Kira ang bibig at umaktong nilagyan ito ng zipper. Nang tumalikod na ang librarian ay pinagsabihan nya si Tyler. “Kaw kasi eh.. Ang ingay mo.”
“Kaw tong madaming sinasabi eh.” Hindi naman kalakasan na ang boses ni Tyler pero enough na para marinig sya ulit ng librarian.
Lumapit ito sa table nila. “That’s it. Ang library ay hindi lugar ng daldalan. Lumabas na kayo.”
Pinandilatan sya ni Tyler. Pero hindi na ito sumagot pa at tumayo na lang para umalis. Sinundan sya ni Kira palabas ng library. Lumakad si Tyler papunta sa may railings ng corridor at tinawag nya si Kira. “Halika dito, tabihan mo ako.”
“Ha? Bakit?” nagulat na tanong ni Kira.
“Hawakan mo tong notebook mo, habang kinokopya ko.”
“Ahhh..” Ginawa pa akong taga hawak.
Malapit na matapos si Tyler sa pagkopya. Palipat lipat ang tingin nya sa notebook ni Kira at sa sinusulatan nya.
“Matagal ka pa ba? Nangangawit na ako eh.” reklamo ni Kira. At medyo na-coconscious na siya dahil masyado silang malapit. Napapansin din nyang nakatingin na ang mga estudyanteng nagdadaan. Gayon din ang mga estudyante na tanaw sila mula sa school ground.
“Alam ko may tago kang kadaldalan. Pero kung tumahimik ka lang kanina sa loob eh di sana tapos na to.” nasa pagsusulat pa din ang attention ni Tyler pero hindi nya mapigilan na hindi sumagot.
BINABASA MO ANG
I Don't Like You Like That
Diversos(Ongoing) Two unlikely people first encountered each other halfway around the world. Who would have thought that they would see each other again in a classroom setting and are assigned as seatmates thanks to their last names. Will this blossom to fr...