xiv. Flashback: Who is Jake?

23 1 0
                                    

KLASE..

Bago mag-lunch. Nauna ng nagbabaan ang mga classmate. Naiwan si Kira na naghahabol pang kumopya ng notes sa blackboard. Nagulat sya ng may pumalibot sa kanya.

"Hi Kira!" malambing na bati sa kanya ni Heather. Napatigil sya sa pagkopya dahil hinarangan sya nito.

"He-llo?" confused ng sagot nya.

"Kumusta ka na Kira?" tanong ni Heather sa kanya. 

Isinara nya muna ang notebook na sinusulatan bago nagsalita. "Anong kailangan mo, Heather?" Nagtataka sya at hindi naman normal na kinakausap sya nito. 

"Wala naman." nakakaloko ang ngiti ni Heather sa kanya. "Masyado ka yatang napapalapit kay Tyler."

"Anong ibig mo sabihin?" Eh ano naman sa kanya ngayon?

"Madalas kayo nag-uusap at sabay pa kayo naglalakad palabas ng school."

"Ano namang problema doon?" 

"May ipinalit ka na ba kay Jake?" Boom! Sapol ako sa tanong nya.

Flashback: Jake pangalan na akala ko hindi ko na maririnig. Si Jake ay isang dating estudyante sa Marian Academy na mas matanda sa amin ng 3 years.. Maraming nagkakagusto sa kanya. Isa na ako doon. Ang pagkakamali ko lang ay nag-confess ako na gusto ko sya. Gagraduate na sya noon at lilipat na ng school. Para bang its that moment or never. Gumawa ako ng tula para sa kanya na dahil sa hiya ko ay ipinaabot ko sa iba. Pero maraming kamay muna ang dinaanan ng sulat bago nakarating sa kanya. Mabait si Jake, matalino, matulungin lahat lahat na. Naging tampulan ako ng tukso sa buong school. Kinausap ako nun ni Jake at sinabi nya na salamat daw sa paghanga ko sa kanya pero may iba na syang gusto. Naging mas malapit kami nun kahit na ilang linggo na lang aalis na sya ng school. Hangang sa may kumakalat na pala na balita na ibinigay ko na daw ang sarili ko kay Jake. Hindi ko alam paano umabot sa punto na ganun. Hindi ko alam paano nagsimula. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Lahat ng klase ng salita narinig ko, kesyo pakawala daw ako, malandi, lahat na ng lait nadinig ko. Ang masakit pa dun, hindi man lang nya ako ipinagtangol o itinanggi man lang. Natapos ang klase noon na sirang sira ang pagkatao ko. Wala akong nagawa. Ang chismis naman ay hindi basta bastang namamatay. Kahit na nung sumunod na pasukan wala na sya, ang tao hindi pa din nakakalimot. Kaya nga ginagawa ko sa abot ng makakaya ko na maging invisible sa paningin ng tao. Kadikit na ng pangalan ko ang eskandalo na yun na hindi naman nangyari. 

"Ano naman ang kinalaman ni Jake dito Heather?" bakit kailangan pang ipaalala ang pilit ko ng kinakalimutan. 

"Wala lang.. Hinay hinay ka lang baka ibigay mo na naman ang buong buo mo..” ikinumpas nya ang kamay nya mula sa ulo ko hangang paa. “at iwan ka lang din sa huli.." pagkatapos nun ay umalis na sila at naiwan akong nanlulumo sa mga sinabi nya.

(Heather)

"Ang mean mo naman kay Kira." Sabi ni Bea.

"Tama lang yun sa kanya alam mo naman na may gusto si Heather kay Tyler. Kung meron dapat na mapalapit kay Tyler eh si Heather yun. Tsaka mas bagay sila no." pagtatangol ni Lulu sa kaibigan

"Alam niyo kung paano akong nagkagusto kay Jake nun. Lahat ginawa ko para mapansin nya ako. Kulang na nga lang magpa-accelerate ako ng tatlong taon para makasama ko sya. Paanong lahat ng effort ko hindi nya napansin pero yung nag-iisang poem lang ni Kira na hindi man lang nga nya kilala nagkalapit silang dalawa kahit sandali lang. Hindi ako papayag na mangyari yun kay Tyler." pagbabanta ni Heather.

"Ano pa ba mas titindi sa chismis na ikinalat mo noon, ang gagawin mo kay Kira kung sakaling mas magkalapit sila ni Tyler?" tanong ni Bea.

"Huwag kang maingay baka may makarinig sayo!" saway ni Lulu.

"Hangga't maari ayoko umabot sa ganun girls pero gustong gusto ko talaga si Tyler, I’m willing to give him everything if only he’d ask.."

I Don't Like You Like ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon