SA KLASE
Mahaba haba ang notes na kailangan nila kopyahin sa kanilang History class. Habang abala ang buong klase sa pagkopya..
"psst.."
Tumingin si tyler sa katabi.
"ahm, pwede ba ako makipagpalit ng upuan sayo kasi hindi ko makita masyado malaki ulo ng nasa harapan ko."
Saglit na di umiimik si tyler.
"sige na, matangkad ka naman eh kaya walang problema sayo kahit saan ka umupo." panghihikayat ni heather.
Nagkibit balikat na lang si Tyler at tumayo at nakipagpalit na ng upuan.
Nang ma-corner ni Heather si Tyler sa sulok ay nakapangalumbabang humarap si Heather sa kanya.
"Tyler, kumusta naman ang adjustment mo dito sa school?" panimula nya na hopefully mag-lead sa conversation.
"Ok lang.."
Mausisa si Heather pero ang kadalasan ng mga isinasagot nya eh pagtango o pag-iling lang.
Maya-maya ay pumilas ng papel si Tyler sa notebook nya at may isinulat.
"Heather, can you pass this to Kira please."
"Kanino? Kay kira?" lumingon sya sa katabi. Nakipagpalit nga sya para walang istorbo tapos gagawin lang sya na tagapasa ng notes. "ok." naka-ismid na iniabot ang sulat sa katabi.
Kinuha naman ni Kira at lumingon sa pinanggalingan nito. Pagkabasa ay ngumiti lang sya kay tyler at iniipit ito sa notebook. Confuse na confuse naman na nagmamasid si Heather sa kanilang dalawa.
Lunchbreak
(Kira)
Hindi umulan ngayong araw kaya makakapanhik ako sa secret tambayan ko. Sa taas ng school building namin ay meron kaming rooftop. Off limits ito sa mga estudyante pero hindi naman nila ito ikinakandado dahil kadugtong nito ang fire escape. Dito ako tumatambay para magpalipas ng oras minsan. Nagtatago ako sa isang side nito para kung sakaling umakyat si Manong Janitor para magpatuyo ng mop ay hindi ako makita. Dito ako naghahabol gumawa ng homework minsan sa kabilang building pa kasi ang library namin. Dito ko na din kinakain ang lunch ko minsan kung may baon rin lang ako para di na ko bababa sa canteen.
"K, thanks for the sandwich -T.." binasa ko ulit ang note ni Tyler. "you’re welcome." sagot ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
I Don't Like You Like That
De Todo(Ongoing) Two unlikely people first encountered each other halfway around the world. Who would have thought that they would see each other again in a classroom setting and are assigned as seatmates thanks to their last names. Will this blossom to fr...