PAG-akyat sa taas..
1st time ko pumunta sa kwarto na iyon nila Tyler. Ito siguro yung sinasabi na entertainment room. Merong malaking screen at naaaninag ko na maraming dvd cases sa magkabilang gilid nito. Meron ding mahabang black leather na couch at carpeted ang sahig. Itinulak ako ni Len sa loob at tsaka isinara ang pinto. Nakatayo ako doon at hindi gumagalaw. Di ko alam kung babatiin ko ba sya o hindi. Nakaupo sya sa gitna ng sahig at nagkalat ang mga throw pillows. Madilim sa loob. Nakapatay ang mga ilaw. Nanggaling lang ang liwanag sa screen na malaking TV at sa mga accent lighting sa gilid ng pader. Feeling ko eh mga ilang minuto na ako nakatayo doon pero di pa din nya ako napapansin. Di ko alam kung talagang di nya ko napansin o hindi lang nya nadinig na dumating ako dahil sa lakas ng sounds na nangagaling sa nilalaro nyang video game. Ginawa ko ay umupo ako sa dulo ng leather couch. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay pinatay nya ang video game at ang TV kaya biglang nagdilim. Hindi naman yung tipong madilim na madilim. Malaya ka pa din makakagalaw sa loob ng kwarto dahil sa mga accent lighting. Napatuwid ako sa pagkakaupo. Naaninag ko na tumayo sya. Nakita ko kung paano nya niligpit ang mga kalat. May pagka masinop sya sa mga gamit. Naramdaman ko ang pagtalbog ng mga throw pillow sa tabi ko. Nakasuot sya ng tshirt at maiksing short na malamang attire nya na pangbahay. Nakapaa sya. Hindi na binatilyo si Tyler katulad ng iba naming mga kaklase na kakalampas lang sa awkward stage na puberty. Matangkad sya at may pagka prim and proper na. Hindi na childish at siguro wala ng gatas sa labi. May dala syang ere sa bawat galaw nya na parang bang bawat hakbang at kilos nya ay kalkulado na sa isip na. Matured na kumbaga.
Naramdaman ko na umupo sya may bandang gitna ng couch. Inilagay ang dalawang kamay sa likod ng batok at sumandal. Hindi ko masabi kung nakapikit ba sya o nakatingin lang sa kisame. Dahil sa maiksi lang ang shorts na suot nya kita ko ang mga mapuputing hita nya at ang mabalbon nyang binti. At tsaka ko natanong ang sarili ko, ‘ano nga bang ginagawa ko dito?’
“Kira..” pagbasag nya sa katahimikan.
Hindi ako sumagot.
“..I dont get you. Why is it there are days that we’re okay and there are days that we are not? I never had a friend that’s a girl before, so I’m trying hard to understand you.”
Inulit ko sa utak ko ang mga tanong nya. Bakit nga ba?
“Does it really take a lot for somebody to be friends with me?” naramdaman ko na nag-shift sya ng weight sa upuan. Hindi ko sya tinitignan. Sabi nga nila habang tumatanda ang tao mas mahirap makipagkaibigan.
“What is it that I ever did to you for you to treat me like that earlier?” lumapit sya ng kaunti.
Lumapit sya at kinuha nya ang kamay ko. “Enlighten me.. Explain to me.. How do I give you such a hard time?” hinihila ko ang kamay ko pero hindi nya binibigay. Bakit ganun alam ko airconditioned yung kwarto pero parang biglang napasma ang mga kamay ko. “I dont even know why I care so much..” Pagpapatuloy nya. “Maybe because I like you as an actual person.. Whatever. I dont know.” hindi ko pa rin mahila ang kamay ko. Wala na din ako maurungan sa upuan dahil unti unti syang lumalapit sa kin.
BINABASA MO ANG
I Don't Like You Like That
Random(Ongoing) Two unlikely people first encountered each other halfway around the world. Who would have thought that they would see each other again in a classroom setting and are assigned as seatmates thanks to their last names. Will this blossom to fr...