Halos mag hahating gabi na nakauwi si Tyler ng bahay. Pero okay lang at nag-enjoy naman sya. Inihatid nya muna si Ghirard sa bahay nila bago sya dumirecho sa kanila. I'm sure, matutuwa si Franc sa take home nyang food. Dahil kahit si Franc alam ang sarap ng luto ng ama ni Zeth. Kung hindi nga lang sa loyalty nito sa pamilya Song at kung may malaking pang-capital lang eh pwede itong magtayo ng catering business.
Pupungas pungas sya ng mata habang umaakyat sa 2nd floor ng bahay. Nakapatay na halos lahat ng ilaw. Pero aninag nya ang liwanag sa pinto ng kwarto ni Franc na madadaanan nya bago makarating sa kwarto nya.
Nang makalampas sya ay marahil nahagip ng pandinig ni Franc yung yabag nya kaya lumabas ito ng kwarto at tinawag sya.
"Tyler?"
Bumalik ako sa tapat ng kwarto nya.
"Yes?"
"I will be going to Cebu tomorrow."
"Yeah, you mentioned that to me earlier."
"Oh I did?" Tanong nya na sinagot ko naman ng pagtango.
"Is everything okay?" biglang pag aalala ko.
"Yes, yes everything is okay." pilit yung pagkakangiti nya.
"Ahm okay." hindi na ako nagtanong kung bakit. It's his home too, and his mom is there. "Sure."
"I'll be there for 3 days. I will be back on Monday."
"Yes, its okay. I'll be fine." Hindi ko na din pinaalala pa na nabanggit na nga nya yun kanina. "By the way, I got some food from Zeth's birthday."
Nagtanguan lang kaming dalawa at lumakad na ako papunta sa kwarto ko.
KLASE..
(Tyler)
Buong umaga nakatuon ang atensyon ko sa i-rereport ko sa History class. Alam ko na medyo tagilid ako kay Mr. Salazar kaya talagang pinaghandaan ko yun. Maaga akong bumalik sa classroom after lunch hindi ko na inaantay na mag-bell. Mahirap ng ma-late at mapalabas ng classroom. Ma-survive ko lang tong reporting na to, I'm sure I'm good for the whole quarter at maipasa ko lang yung exam.
Mga ilang minuto pa, nagsimula na magdatingan ang mga kaklase ko. At ilang segundo pa lang pagtunog ng bell ay nandoon na si Mr. Salazar na laging on time. "Good afternoon, Mr. Salazar." Sabay sabay na bati sa kanya.
Tinignan nya ako direcho at wala ng paligoy-ligoy pa nagsabi. "Are you ready Mr. Skye for your report?"
Tumayo ako. "Yes, Mr. Salazar."
Ikinumpas nya ang kamay nya papunta sa harapan. Nag-handa ako ng ilang visual aids at hawak ang ilang index cards ay nagsimula na ako mag-report.
(Kira)
Itinuon ko ang attention kay Tyler na nagsimula na mag report. Sa ilang buwan namin na magkaklase ay ngayon lang sya nag-report sa harap ng klase. I know it's his time to shine, panahon na para magpakitang gilas sya kay Mr. Salazar.
Nakatayo sya sa gitna ng klase at si Mr. Salazar naman ay nakaupo sa teacher's desk sa may bandang gilid. Sa likod ni Tyler ay ilang visual aids na inihanda nito. Merong time table at ilang diagrams. (Author's note: I wanted details as much as I can. Pero di ko na alam yung mga lessons sa high school) Very compose sya tignan at maganda ang fit ng uniform ng Marian Academy sa kanya. White polo, dark blue vest and tie. Optional mag-tuck in. Hindi sya naka-tuck in. Naka gel ang buhok nya at clean shaven sya. Ngayon ko lang sya natitigan mula sa malayo. Dahil nga sa matangkad sya kahit nasa malayo ako kitang kita ko sya. Kahit na tanghali na, fresh na fresh pa din sya tignan. Hindi katulad ng ibang classmate namin na pawis na pawis na.
Pumangalumbaba ako. Ang pupula ng labi nya. Parang nag-gloss. Medyo matipid sya kung ngumiti. Direchong-direcho yung tindig nya. Yung may authority ba. Pilit ko iniimagine ano ba itsura nya sa dati nyang uniform? Ano ba ang uniform ng SC. Bihira yung lalaki na kahit ano ang ipasuot mo bagay. Nakita ko na sya mag-suit, mag-casual. Parang ang sarap nyang bihisan. Parang ang sarap nyang hubaran? Hala! Ang halay! Pinikit ko ang mata ko saglit para burahin yung pumasok sa isip ko. Well, I've seen him topless. And wearing shorts. Oh my God! Topless and shorts! I had been that close to Tyler? And another OMG! Napakapit ako sa sarili ko. He had been that close to me too! Looking at him, staring at him from afar ang dami kong narealize bigla. He's hot! Well I know he is. Everybody knows he is. Biglang nag-init yung pakiramdam ko. This is not good, not good!
Natapos ang pag-rereport nya na wala yatang pumasok sa isip ko. Dahil almost all of his time spent there ay wala akong ginawa kundi kilatisin ang bawat sulok nya. Mula sa patilya nya hangang kung saan ang natatanaw ko sa kinauupuan ko.
"Very good, Mr. Skye." puri ni Mr. Salazar. Nagsimula ng lumakad si Tyler pabalik sa upuan nya. At kitang kita ko yung ngiti nya. Ngiting tagumpay.
Unconsciously, ikinibit ko ang katawan ko palayo sa kanya kahit wala na akong iuurong sa inuupuan ko. Feeling ko baka mapaso ako sa hotness nya. Pagkatapos ng kung ano anong naaalala ko at naiisip ko.
"Makati puwet mo?" mahinang tanong nya pero sapat lang para marinig ko.
Hindi ko naman na-gets at surprisingly hindi ako na-offend. Parang kahit ano pang susunod na sasabihin nya okay lang! "Huh?" tanong ko sa kanya.
"Eh parang kinakaskas mo yung puwet mo dyan eh."
Ganun! Pinanliitan ko sya ng mata sabay isnab. Hindi na ako sumagot dahil baka mabaling pa sa amin yung attention ni Mr. Salazar.
Pagka labas na pagkalabas ni Mr. Salazar ay nagpakawala sya ng buntong hiniga.
"Whooo! Hay sa wakas natapos din." sabi nya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"I'm more than okay!" nakangiting sabi nya while flashing his pearly whites! Bakit ganun? Lahat na lang napapansin ko na sa kanya. "Kanina pa ko nnerbyos dun sa harapan. Nairaos ko din."
"Talaga?" Bilib kong tanong sa kanya. "Ninenerbiyos ka pa nung lagay na yun? Hindi naman halata."
"Gusto mo ba kopyahin yung notes ko? May quiz daw bukas regarding that topic."
"Ha?! Quiz?"
Napangiti sya. "Aba, himala. Hindi ka nakikinig no?"
Hindi ko alam anong isasagot ko. Hindi ko naman talaga nadinig na sinabi.
Inilapit nya ang sarili nya sa akin. "Ako lang yata ang pinag-aralan mo eh hindi yung report ko." mahina nyang sabi na ikina-conscious ko naman.
"Dun ka nga." mahinang sabi ko sa kanya pero hindi ko sya tinitignan.
Bumalik sya sa pagkakasandal nya sa upuan nya. "You have seen more than enough." Nang linginun ko sya ay kinindatan nya ako na mapang-asar.
Gosh! Feeling ko nagpapapalpitate ako!
BINABASA MO ANG
I Don't Like You Like That
Random(Ongoing) Two unlikely people first encountered each other halfway around the world. Who would have thought that they would see each other again in a classroom setting and are assigned as seatmates thanks to their last names. Will this blossom to fr...