Chapter 64 - Rewards

1.3K 150 10
                                    

Lux's POV

Imbis na bumalik sa Eon Imperial City ay minabuti ko na lamang na tumungo sa Fairie Paradise upang doon na lamang sa guild house namin magpahinga.

Ayon kasi kay Ash ay natapos na ang pagbuo ng guild house namin at ngayon ay maaari na kaming magpahinga doon, hindi na siya sumunod pa rito sa Eon Imperial City dahil wala daw magbabantay sa guild house namin.

Medyo nahiya nga ako kasi iniwan ko lang siya magisa doon sa Fairie Paradise upang bantayan yung guild house namin, hindi tuloy siya nakasali sa event.

Babawi na lang siguro ako sa kanya sa mga susunod pang darating na events sa laro.

Ng marating ko ang lugar kung saan itinatayo kanina lamang ang guild house namin ay kaagad kong napansin na nakatayo na rito ang isang simpleng kubo.

Sa labas nito ay nakita kong tahimik na nakaupo si Ash habang pinanonood ang tubig mula sa talon kasama ang kanyang Spirit Beast na si Yuna.

Dahil dito'y pakiramdam ko tuloy ay pinagmamasdan ko ngayon ang isang diwata sa gitna ng paraiso.

Napangiti na lamang ako at muling naglakad patungo sa kanya, minabuti ko na ring ilabas si Little White dahil alam kong gustong gusto nitong makalaro si Yuna.

Tama nga ang aking iniisip dahil hindi pa nga nakakalipas ang segundo matapos koi tong ilabas ay tumakbo na agad ito papunta kay Yuna, halata ang pagkagulat sa mukha ni Yuna ng makita nito ang biglaang paglitaw ni Little White sa kanyang tabi.

Ngunit kaagad din itong napalitan ng saya, para silang mga batang masayang naglalaro sa mga palaruan tuwing hapon.

"You're back" ngumiti ako kay Ash at umupo sa kanyang tabi, katulad niya'y pinanonood ko na din ang walang katapusang pagagos ng tubig mula sa talon.

"Mhmm, im back Ash" matapos ang maiksing palitang ito ay pumagitna sa amin ang katahimikan, hindi dahil sa wala kaming masabi sa isa't isa kungdi ay dahil sa pareho naming ginusto ang damdamin ang katahimikang bumabalot sa aming paligid.

Makalipas ang ilang saglit ay muling nagsalita si Ash "So how's the things over there?" sandali ko siyang nilingon bago ako sumagot.

"I don't know too actually" pagtatapat ko dahil matapos ang laban ay dumiretso na kaagad ako rito, baka kasi dumugin ako ng mga player doon na gustong makichismis matapos nilang masaksihan ang kakayahan ng mga Spirit Beasts ko.

I am not against entertaining people, pero may mga tao kasing hindi kinikilala ang privacy ng kanilang nilalapitan sa mga ganitong pagkakataon.

Ang mahalaga lamang para sa kanila ay masatisfy ang mga pansarili nilang kagustuhan. Kung kaya naman para na rin sa sarili ko at sa kanilang katahimikan ay napagpasyahan ko na lamang na tumakbo.

Crap!

Mabilis kong binuksan ang aking virtual screen at nagsend ng message kila Dylan at sa mga guildmates namin, paniguradong sila ang lalapitan ng mga makukulit na taong yon kapag narealize nilang wala na ako sa Eon Imperial City.

Mabuti na lamang at naalala ko yung bagay na iyon, dahil kung hindi ay malamang aani ako ng reklamo kay Dylan pagbalik nila dito sa Fairie Paradise.

Ilang saglit lamang matapos kong makapagsend ng message sa kanya ay kaagad akong nakatanggap ng reply, buti na lang at matalino din yung kupal kong kaibigan na yun dahil tinipon niya agad yung mga kaklase namin at pinabalik dito sa Fairie Paradise.

Kasalukuyan na daw silang nasa daan ngayon at naglalakad pabalik dito sa guild house namin, mukhang excited pa yung loko dahil naka caps lahat ng letra sa kanyang mensahe.

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon