Chapter 68 - Power Training

1.4K 143 6
                                    

Lux’s POV

Matapos ang mahabang gabi ng salo salo ay sumapit nanaman ang panibagong araw, medyo late na din kami nakatulog kagabi dahil matapos naming pakainin ang mga Untamed Spirit Beasts sa Fairie Paradise ay nakipaglaro pa sa amin ang mga ito.

Syempre hindi naman namin tinanggihan ang gusto nilang pakikipaglaro, dahil sa pagsasaya namin kagabi ay madaling araw ng mapansin namin ang oras.

Puyat man ay worth it naman para sa akin yung experience na naranasan ko kagabi, marahil nga’y sa lahat ng mga manlalaro ng God’s Sanctuary ay kami pa lang ang unang grupo ng mga player na sinubukan ang ganoong paraan ng pakikitungo sa mga Untamed Spirit Beasts.

Lalo pa’t napapansin kong ang mga tipikal na player ng God’s Sanctuary ay mayroon lamang dalawang pangunahing iniitindi sa paglalaro.

Ang una’y makipaglaban at palakasin ang kanilang mga Spirit Beasts, habang ang ikalawa naman ay magdagdag ng magdagdag ng mga Spirit Beasts sa kanilang Beast Almanac.

Hindi naman mali ang kanilang ginagawa dahil ito naman talaga ang orihinal na kalakaran sa loob ng laro, kinakailangan ng imahinasyon at curiousity upang makatuklas ng mga panibagong bagay na maaaring magbukas ng isang surpresa sa komunidad ng mga manlalaro.

Katulad na lamang ng natuklasan ko kagabi, ang Intimacy System ay isang function sa loob ng laro na nagsisilbing susi upang buksan ang panibagong paraan ng pakikipagkomunika sa mga Untamed Spirit Beasts.

Ang aksidenteng pagkakatuklas ko sa function na ito ay nagbukas ng panibagong opportunity hindi lamang para sa akin kung hindi ay para na din sa mga kasamahan ko sa paglalaro.

Sa totoo lang ay pinagisipan kong mabuti kung isasapubliko ko ba ang impormasyong nakuha ko, lalo pa’t sa palagay ko ay mahalaga ito para sa karamihan. Lalo na doon sa mga manlalarong hindi mahilig sa pakikipaglaban.

Tinimbang kong maigi ang pros and cons ng gagawin ko, at umabot ako sa konklusyong sasarilihinin ko na lamang muna ang mahalagang impormasyong ito patungkol sa Intimacy System.

Selfish mang pakinggan pero sa palagay ko ay ito ang tamang paraan, nakalatag na sa aking harapan ang isang oportunidad at ang bobo ko naman siguro kung hindi ko gagamitin ang oportunidad na ito para sa ikabubuti ko at ng mga malalapit sa akin.

Ang mga tao ay likas na makasarili, at isa akong tao kaya naman normal lamang ang ganitong pagiisip. Isa pa, bakit ko nga kinakailangan pang ipaliwanag yung panig ko?

Mamayang gabi ay sisimulan ko na ang espesyal na pagsasanay para sa mga kagrupo ko sa aming guild, kasabay nito’y ikukwento ko na din sa kanila yung pagkatuklas ko sa Intimacy System.

“Yo Lux! Morning” nagulat ako ng marinig ko ang masiglang boses ni Dylan matapos kong buksan ang pintuan ng classroom namin.

Pasimple kong sinilip ang oras sa aking cellphone dahil sigurado akong maaga pa noong umalis ako sa bahay namin, at karaniwan sa mga oras na ito ay humihilik pa ang lalaking ito.

Idadagdag ko pang puyat ang isang ‘to dahil sa simpleng pagsasalo salo kagabi, and yet here he is. Alive and even kicking.

“Oi! I know you’re thinking of something rude” napangiti na lamang ako at umupo sa aking upuan, imbis na kausapin siya ay humarap ako sa bintana at tinanaw ang langit.

Nakasanayan ko na din kasing pagmasdan ang langit tuwing sasapit ang umaga at tuwing lulubog ang araw, para sa akin kasi ay paraan ito upang pakalmahin at irelax ang sarili ko.

Makailang saglit pa’y bumukas muli ang pinto ng classroom namin at magkasabay na pumasok sila Ash at Guilla.

“Look at you being giddy and shit just by seeing Ash” sinamaan ko ng tingin si Dylan pero tinawanan lang ako ng loko, hindi ko na din pinansin yung panunukso niya dahil nasa harap na namin yung dalawa.

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon