Chapter 49 - Tamed!

1.2K 169 18
                                    

Lux’s POV

Sandali kaming nagkatinginan ni Ash, nagtatanong ang kanyang mga mata na para bang hinihingi ang aking suhestiyon sa kung ano ang dapat naming gawin.

Pansamantala akong nagisip at tinimbang ang mga bagay bagay at mga posibilidad na maaaring mangyari sa desisyong gagawin ko.

Inilabas ko ang Freezing Lotus Orchid sa aking inventory at pinagmasdan ko ito, ibinaling ko ang aking tingin sa Twin Headed Cold Basilisk na kasalukuyang nagwawala sa gitna ng lawa dahil sa biglaang pagkawala ng kalaban nitong Fire Golem.

“I think it’s better to give it up for now” halata ang lungkot sa boses ni Ash habang sinasabi niya ang mga salitang yan.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili, makalipas ang ilang sandali ay nginitian ko siya at bahagyang hinimas ang kanyang mahabang buhok “Nah, we can defeat that guy” nagulat siya sa sinabi ko at sasagot na sana siya ng ilapat ko ang aking daliri sa malambot niyang labi “Trust me on this”

Diretso siyang tumingin sa aking mga mata at ganoon din naman ako sa kanya, ilang saglit lamang ay ngumiti siya sa akin at tumango “Alright Lux, so what are we going to do?” ngumisi ako at isa isang inilahad sa kanya ang mga planong nabuo ko sa aking isipan.

Matapos kong magpaliwanag ay halata ang pagkagulat sa kanyang mukha na siyang ikinatawa ko, ang cute niya kasing tingnan e.

“So, are you ready Ash?” muli naming hinarap ang Twin Headed Cold Basilisk, inilabas niya si Yuna habang sinummon ko naman ang aking Cursed Fire Tiger at si Little White.

Hindi pa din maganda ang kondisyon ni Little White at ayoko sana siyang ilaban muna ngunit kakailanganin namin ng tulong niya para mapabagsak ang Twin Headed Cold Basilsik “Hey buddy”

Lumapit ako sa kanya at marahang hinimas ang kanyang malalambot na balahibo, nagustuhan naman niya ito dahil mas lalo niya pang inilapit sa akin ang kanyang katawan “Here, drink this” iniabot ko sa kanya ang maraming mga potions “I need you to recover fast buddy, we’ll need your help to defeat that guy” liningon ni Little White ang Twin Headed Cold Basilisk na kasalukuyan pa ring nagwawala.

Bumalik ang mabangis na ekspresyon nito habang pinagmamasdan niya ang higanteng Spirit Beast, siguro’y naalala nito ang biglaang pagatake sa kanya ng Twin Headed Cold Basilisk.

Kinuha ni Little White ang mga potion na binigay ko at isa isa itong ininom, napailing na lamang ako dahil kilalang kilala ko na si Little White.
“Let’s go Ash, stick to the plan” mabilis na tumango sa akin si Ash “Death’s Incenerate!” the Cursed Fire Tiger roared then it released its skill.

Boooommm

Muling umalingawngaw ang pagsabog sa loob ng kweba ngunit hindi pa kami tapos “Again!” sunod sunod na nagpakawala ng Death’s Incenerate ang Cursed Fire Tiger sa Twin Headed Cold Basilisk.

Dulot ng kabagalan nito ay nagmukhang target dummy ang higanteng Spirit Beast, ngunit alam kong hindi din naman ganoon kalaki ang pinsalang idinudulot ng mga pagatake ng Cursed Fire Tier sa Twin Headed Cold Basilisk.

Swooooosshhh

“Fuck, hurry and evade!” mabilis na sumunod sa aking utos ang Cursed Fire Tiger ngunit kulang pa rin ang bilis nito dahil nahagip ng Cold Blast ng Twin Headed Cold Basilisk ang isa sa mga paa ng Cursed Fire Tiger.

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon