Chapter 17 - VS Epic Tier

1.3K 145 2
                                    


Lux's POV

I froze while looking at the Hellfire Panther which is a freaking Epic Tier spirit beast. Naririnig ko pa nga yung bulungan ng mga tao sa lugar tungkol sa pagkatalo ko.

I immediately calm myself then I summon Little White. Hinimas ko ang ulo ni Little White then I nodded at him. Pwumesto ng pareho ang spirit beast naming dalawa at ang lahat ay naghihintay sa kung anong mangyayari sa laban naming dalawa.

Maraming mga nagsasabing tatagal lang ng ilang segundo si Little White sa stage bago siya tuluyang talunin ng Hellfire Panther ng kalaban, walang naniniwala na mananalo kaming dalawa ni Little White.

Dahil amging ang mga commentator ay nagsasabi na isang one side ang laban. I grit my teeth then looked at Little White, somehow bigla na lamang lumitaw yung anyo ni Little White noong isang Twin Tail Puppy pa lang siya at kasabay nito ay nakarinig ako ng mahihinang mga tawa sa paligid.

Pamilyar sa akin yung mga tawang iyon, dahil iyon yung tawang nagmamaliit sa aming dalawa ni Little White. Ng bumalik ako sa realidad ay eksaktong nagsimula na ang laban. Katulad ko ay tahimik lamang ang kalaban ko at pinanonood niya lamang ang kanyang Hellfire Panther.

You guys don't believe that we will win? Then I'll let you witness a miracle

"Let's go Little White!" Little White and I roared. Everyone was shocked when they heard us both roared. Sa isang iglap ay naglahong parang bula si Little White at ang lahat ay nabigla sa kanilang nakita. Maging ang kalaban ko ay biglang nagbago ng ekspresyon ng makita niyang naglaho si Little White sa stage.

"Little White use Mirage!" mula sa kanang bahagi ng stage ay muling lumitaw si Little White ngunit naging dalawa siya at mas nakakagulat pa dito ay muli silang naglaho matapos lamang ang ilang segundo. Maging ang Hellfire Panther ay naguguluhan sa nangyayari.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang hamak na Rare Tier na si Little White ay may bilis na kapareho ng mga spirit beast sa lower level Epic Tier. Napakatahimik ng paligid at tanging ang paghinga lamang ng mga manonood sa paligid at paminsan minsang paghawi ng hangin dahil sa galaw ni Little White ang maririnig sa paligid.

"Tri Tail Smash!" I roared then Little White appeared in front of the Hellfire Panther, nagulat ang Hellfire Panther ngunit mabilis itong kumilos at tumalon papalayo.

Baaammmm

Tch! Ibang klase talaga ang speed at reflexes ng mga Epic Tier spirit beast. Muling naglaho si Little White matapos hindi tumama ang kanyang pagatake. Ngunit ngayon ay wala ng nauna pang magsalita, maging ang mga commentator ay nanahimik dahil sa nasasaksihan nila.

Ang isang Rare Tier spirit beast ay nakikipagsabayan sa isang Epic Tier spirit beast. Sinong maniniwala dito? Kung hindi nila ito nasasaksihan ng personal sa malamang hindi sila maniniwala sa nangyayari ngayon.

"Helios use Flamethrower. Force him out" sa unang pagkakataon ay naglabas ng utos yung lalaking kalaban ko. Hindi na kalmado ang itsura niya ngayon at alam kong gusto niyang madaliin ang laban.

Pero hahayaan ko ba siya "Little White use Fear!" bago pa magbuga ng apoy ang Hellfire Panther ay muling lumitaw na parang multo si Little White ngunit sa pagkakataong ito ay malayo layo ang distansya nilang dalawa.

Ang hindi nila maintindihan ay kung bakit bigla na lamang naparalisa ang Hellfire Panther matapos lumitaw ni Little White. Mabilis na lumusob si Little White matapos tumalab ng kanyang skill. Ang kanyang mga matutulis na kuko ay nakaamba at nagbabanta sa sinumang tatamaan nito.

"Helios! Shadow Body!" bago pa tuluyang tumama ang matulis na kuko ni Little White sa Hellfire Panther ay bigla na lamang nabalot ng itim na hamog ang katawan nito. Dahil dito ay parang hangin lamang na tumagos ang kuko ni Little White "Ngayon na Helios! Flamethrower!"

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon