Chapter 39 - Merciless Tyrant

1.3K 147 12
                                    


AN: Eyyy!!! First of all super thank you po sa lahat ng mga nagbabasa pa din ng story, although almost a month and a half na akong nawala. Super thank you sa inyo guys. Anyway here's the new chapter, happy reading :)

Lux's POV

Matapos lumabas ang post ni WhiteKing sa community forum ay isa isa ng naglaho ang mga player na kasali sa pangmamanhunt sa akin.

Nagkusang loob na ang mga ito dahil malinaw na para sa kanila ang kahihinatnan nila kung sakaling mananatili pa sila sa loob ng Fairie Paradise.

Ngunit syempre may mangilan ngilan pa din na nagmatigas at malakas ang loob, ngunit hindi naman na sila problema para sa akin dahil kung kinaya ko nga silang isa isahin nung panahong napakarami nila.

Papaano pa kaya ngayon na mabibilang na lamang ng daliri ang mga grupong nanatili. Kung maituturing na mga patawa ang mga kasamahan nilang nagmatapang kanina, sila naman ay masasabing may mga sapak na sa ulo.

Dahil sa kung hindi nila kayang intindihin ang simpleng logic na naging dahilan ng pagurong ng kanilang mga kasamahan, papaano pa kaya kapag complex reasons na ang iniharap sa kanila.

Baka naman magsipagputukan na ang utak ng mga kumag na ito.

Sandali akong bumuntong hininga saka ko sinimulang ubusin ang lahat ng mga natitira pang kumag dito sa loob ng Fairie Paradise. Walang lugar para sa isang paraiso ang katulad nilang mga walang idudulot na maganda.

Ilang saglit lamang at narating ko na ang kinapupwestuhan ng isa sa mga grupong nagdesisyong manatili sa Fairie Paradise, napailing na lamang ako ng makita ko ang itsura ng mga mokong na to.

Mukha silang mga adik na dugyot.

Kumbaga sila yung uri ng taong may itsura na literal na hindi gagawa ng maganda tapos may ugali pang sumasabay sa sama ng kanilang itsura.

Muli kong inilabas ang Phantom Shadow at nagsimula ng ulit ang pagalingawngaw ng mga sigaw sa loob ng Fairie Paradise.

Sa totoo lang hindi ko din gustong mkaarinig ng mga ganitong sigaw ngunit wala akong magagawa, dahil para sa mga taong ito ay ito ang pinakaminam na paraan upang maitatak ko sa kanilang isipan na hindi lang ako basta basta.

Nagpatuloy ang paglipas ng bawat minuto, kasabay nito ang patuloy na pagalingawngaw ng mga sigaw ng hindi mabilang na indibidwal.

Makalipas ang kalahating oras ay tuluyan ng nalinis ang Fairie Paradise sa mga taong nagbabalak itong dumihan at sirain.

Ngunit hindi ko maiwasang malungkot ng tumambad sa akin ang pinsalang naging dulot ng kabi kabilaang pakikipaglaban ko.

Nagtumbahan ang mga matatayog na punong dati'y hitik na hitik sa mga dahon, nagkalat ang apoy sa paligid na patuloy na kinakain ang kagubatan.

Ang mga Spirit Beasts ay nagtatakbuhan sa kung saan at halos hindi na malaman ng mga ito kung saan dapat sila magtago.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko pa ang isang grupo ng mga Treant Protector na sinusubukang patayin ang apoy gamit ang kanilang naglalakihang baging.

Hindi ko maiwasang mapaluha habang pinagmamasdan ko ang mga Spirit Beasts na ito na sinusubukang isalba ang kanilang tirahan na ngayo'y unti unti ng winawasak.

Naikuyom ko na lamang ang aking palad at muling nagbitaw ng isang pangako "I'll never let this shit happen again" testigo ang buong Fairie Paradise sa muling pangako kong ito.

Sapat ng magkamali ng isang pagkakataon, ngunit ang pagkakamali sa parehong pagkakataon at sa parehong dahilan ay isa ng kalokohan.

Sabi nila 'Promises are meant to be broken'

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon