Chapter 75 - A Demon

1.2K 154 35
                                    


Lux's POV

Bigla na lamang nahinto ang paglalaban ng magkabilang guild matapos magkaharap harap ang mga pinuno nila, pansamantalang nagkaroon ng mutual peace agreement ang dalawang panig upang panoorin ang magaganap na paglalaban.

"Damn, this is exciting"

"Indeed, pero sa tingin mo. Sino ang mananalo?"

"Isn't it fucking obvious?! Kakampi ako ni Wingles pero dalawa laban sa isa ang laban kaya naman mas malaki ang chance na manalo ang panig nila Young Master"

"Tch, basura. Hindi pala patas lumaban yung mga kutong yon"

"Pfft, kung malakas ang loob mo bakit hindi mo sabihin yan sa harap nila?"

"No thanks"

Napailing na lang ako habang pinakikinggan ang paguusap ng dalawang player na nakatayo sa ilalim ng puno kung saan ako nakaupo.

May punto yung unang lalaking nagsalita, base sa karakter nila Young Master at WhiteKing ay siguradong hindi lalaban ng patas ang dalawang yon. Bukod pa rito'y kanina ko pa napapansin na hindi nawawala ang ngiti sa labi ng dalawa.

Na animo'y kontrolado nila ang lahat ng nagaganap sa laban, doon ko napagtanto na maaaring ang dahilan ng pagiging kampante nila ay ang kasiguraduhan nilang sila ang mananalo sa labang ito. Isa lamang ang naiisip kong dahilan upang pagtibayin ang ideya kong iyon.

At iyon ay ang kakayahan ng kanilang benefactor.

Kahit na gaano pa kalaki ang agwat sa kapangyarihan ng dalawang guild ay imposible pa ding masabi ang kasiguraduhan ng kanilang pagkapanalo, lalo na kung iisipin ang ilang mga bagay na maaaring makaapekto sa magiging takbo ng laban.

Ngunit sa ikinikilos nilang dalawa ngayon ay animo'y nakikipaglaro lamang sila sa panig ni Wingles, habang nakikipaglaban nga sila'y napapansin ko pa ang paminsan minsan nilang tawanan.

Sa ngayon tuloy ay nacucurious na ako sa pagkakakilanlan ng benefactor nila. Dahil kung talagang makapangyarihan ang player na iyon ay baka kailangan kong baguhin ang aking plano.

"Young Master!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Wingles sa paligid, gayunpaman ay nanatili ang nakakaasar na ngiti sa labi ni Young Master "You motherfucker, I've been tolerating your actions pero sumobra ka na matapos mong harassin ang pinsan ko"

Halata ang panggigigil at galit sa kanyang boses, sa malamang ay kung nakakapatay lang ang tingin ay kanina pa nakahandusay si Young Master.

"Dude, his screams made my ears hurt" hinimas himas pa ni Young Master ang kanyang tenga habang kinakausap nito si WhiteKing.

"I know right, fuck his voice is too crappy" sagot naman ni WhiteKing tapos ay nagtawanan silang dalawa.

Somehow naaawa ako sa sense of humor nilang dalawa dahil sobrang lamya ng panlalait nila, akala ata nilang dalawa ang savage ng mga ibinanat nila. Little they did know na nagmumukha silang pareho na mga payaso sa harap ng libo libong player.

"Pwede na sila sa circus"

"Malulugi ang management sa kung sinong circus ang kukuha sa kanila"

See, pati yung mga kasama ko rito pareho ng iniisip ko. Pagkatapos ng araw na 'to ay siguradong sira na ang image ng dalawa sa community.

"Enoug blabber, I'll make the two of you regret what you did" tinawag ni Wingles ang kanyang Black Pegasus at naghanda sa pakikipaglaban.

"Hmm, that guy wants to fight. Akala niya ata mananalo siya satin" muli ay nagtawanan yung dalawang kupal sa walang kabuhay buhay nilang biro "Alright, I'll give you the chance to humiliate yourself"

VRMMORPG: [God's Sanctuary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon