Chapter 4

434 9 1
                                        

[A/N] May characters na akong naiisip para sa story na ito. Nanonood ba kayo ng A Gentleman's Dignity? Hehe. ang cute non. Oh yan clue na yan.

----

Hindi matanggap ni Yohan ang nakita niya. Minahal niya si Yana, pero hindi niya akalaing niloloko siya nito. Akala niya siya na ang babaeng pakakasalan niya.

"P*nyetang buhay 'to!" sigaw niya habang pinapaharurot ang sasakyan sa kalsada. Marami na ang bumubusina sa kanya dahil sa magulo niyang pag-dadrive.

"Mga bwiset ang ingay niyo!" at diniinan pa ang apak para mas lalong bumilis ang sasakyan.

Napadpad si Yohan sa tapat ng isang maliit na resto bar. Wala masyadong tao dahil napakatahimik sa kalyeng napuntahan niya.

"Miss, give me the hardest drink that you have here." 

Unti-unti siyang nagpakalasing sa gabi ng kasawian.

-x-x-x-x

Sa kabilang dako, inaayos naman ni Jen, o Janelle sa opisina, ang mga papeles na kailangan ng shop.

"Ma'am Janelle, tapos na po ang OT ko. Mauna na po kami.", sabi ni Sarah, isang sales clerk ng shop.

"Osige, Salamat, mauna na kayo."

Pagkatapos maiwan sa kanyang office, di niya mapigilang maihilamos ang kamay sa mukha dahil sa iba't ibang stress. Naririnig nanaman niya ang tunog ng telepono kaya sinagot ito.

"Pa! Ano nanaman?"

[Sige na anak, pagbigyan mo na ako.]

"And what is your blackmail this time?"

[Hmm, Martina's. Gusto mong ipasara ko ang Martina's?]

"No! You can't do that! Pinaghirapan ko to! And you can't make me go to that arrange marriage thing. En. Ow."

[Well, sorry iha. You can't have both. Choose, Martina's or your married life? Okay sana kung may boyfriend ka, may ipaglalaban ka at maglalaban sayo. Eh ano? Simula nang mag-break kayo ng Yohan na yan wala na. Tsaka diba ganyan yung mga kwento sa wattpad. Nagkaka-inlove-an yung mga nasa arranged marriage.]

"Pa! For Pete's sake, 26 years old pa lang ako! And what? Nagbabasa ka ng wattpad?!"

[Ah basta, I'll give you ten seconds. Mamili ka. 1..2..3..]

"Papa!"

[4..5..6.]

"..."

[7..8..9..]

"FINE! Just call me when and where!"

[Like what I've expected. Di bale, you'll never regret this anak.]

"Ang tuso mo talaga papa. Bye na nga."

"AAAAH! Nakakainis! Ang dami ng aasikasuhin sa shop tapos dadagdag pa to!"

>>>>JEN'S POV<<<<<

Isa lang naman ang rason ko kung bakit hindi pa ulit ako nagboboyfriend. Si Yohan.

Four years ago, naghiwalay kami hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan. Sa katunayan, malinaw na malinaw kung bakit kami nag-break.

College sweethearts kami pero nung malapit na kaming grumaduate, nagkalabuan na. Naging sobra kasi kami sa mga pinagkakabalahan sa school. Nawalan na ako ng oras para sa kanya. Pero di ko ikakailang napansing kong hindi naman niya ako hinahanap. Masisisi ko ba siya. Isa akong napaka-boring na babae. One year lang ang tinagal namin, pero minahal ko siya ng sobra. 

flashback

"Jen, let's end this." sabi sakin ni Yohan habang nakaupo kami sa isang coffee shop. 

Sa huling higop ko ng kape, nakaramdam ako ng panginginig.This is it. This is the end. Ang kaninang matamis na kape na iniinom, naging kasing pait ng pilit na ngiting pinakita ko sa kanya pagkababa ng baso ko.

"I undersand Yoh." wala siyang imik. "Ha-ha, ganun talaga eh." pilit akong tumatawa kahit puno na ng luha ang mata ko. Pinunasan ko ito.

"Jen, I'm so--"

"No, please don't say that. We have separate lives now and I wish you the best. See you when I see you. Thanks for everything, Yohan." at sa huling ngiti ko ay lumabas ako ng shop. Umiiyak. Sobrang sakit.

end of flashback

At ang tinatayuan ng coffeeshop na iyon ang siyang tinatayuan ng Martina's ngayon. Nabili ko lang ang lupa sa murang halaga, at utang ko ito kay Papa. Tadhana nga naman. Pero hindi ko sinasadya ito ha! It was a take it or leave it scenario kaya napadpad ako dito.

*Blag*

Isang malakas na kalabog narinig ko sa labas ng opisina. Lumabas ako at nakita ko ang security guard na inaawat ang isang lalaki. dali dali akong lumabas para tignan.

"Ma'am Janelle! May lasing po dito sa labas! Hindi ko maawat! Jen lang po ng Jen!"

Tinignan ko yung lalaking tinutukoy ng guard.

"YOHAN?! Anong nangyari sayo?!" Nakita ko ang isang Yohan na lasing, lumuluha ng lumuluha.

"Iniwan na niya ko. Ang sakit sakit."

Pagewang gewang pa ang tayo niya dahil sa kalasingan.

"Lecheng destiny rings to, ke mahal mahal, di ko rin pala magagamit. Tapos may utang pa ko sa shop mo. Hahaha!" at binato niya sa sahig ang mga singsing na galing sa bulsa. Kitang kita ko ang sakit sa mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Pero nasasaktan ako.. kasi nasasaktan siya. Kung sino man ang babaeng yun, naiinggit ako sa kanya. Minahal siya ni Yohan.

"Yoh, lasing ka na.."

"Pwede ba kitang mahalin ulit?"

Nabato ako sa aking kinatatayuan sa sinabi niya. 

May mga gusto akong sabihin, ngunit kahit ibuka ko ang aking bibig, walang lumalabas na mga salita.

Pano ko sasabihin ang "OO" sa lalaking sirang-sira ang puso, umiiyak at hindi makapag-isip ng diretso dahil sa sa sakit na nararamdaman nito?

"Yohan.."

"Jen," sabi niya habang patuloy na tumtulo ang luho sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin para yumakap na ikinabigla ko.

"Jen, can I love you again? Even just for one night?"

Engagement RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon