- Back to 3rd Person POV starting from
here -
/BS alert: lenggwahe at temang sekswal/
Isang linggo na matapos ang kasal sa beach. Isang linggo na ring di nagkikita si Yohan at Jen.
Si Yohan ay abala sa kanyang kumpanya. Si Jen naman, sa Martina's. Hindi niya na-anticipate ang stress sa demand ng mga jewelry dahil di naman peak season.
Nagulat na lang si Jen ng pumasok ang Papa niya sa shop na may kasamang mga Chinese businessmen.
"Pa!" tawag niya sa ama.
Hindi siya nito pinansin, bagkus, binalingan lang nito ang mga kasama.
"Yes, this is indeed a good place! How much are you selling this?" dinig ni Jen na sabi ng isang Chinese.
"PA?! Anong ibig sabihin nito?!"
"Huwag ako ang niloloko mo Janelle! Alam kong hindi talaga kayo ni Yohan," sagot ng ama.
Paano? Paano niya nalaman? We even stayed in the same room, nag-out of town.. then he'll doubt us!
Naiiyak ako! Hindi pwedeng bawiin sa akin ang Martina's! Hindi!
"Paano mo nasabi 'yan Pa?!"
"Isang linggo na kayong walang communication ni Yohan, akala mo ba di ko alam? At nakita kong kahalikan niya ang isang babae nang dumalaw ako sa korporasyon nila!"
"ANO?!"
Hindi nag-atubili si Jen na kunin ang bag niya at mag-drive papunta sa kumpanya ni Yohan.
Habang nagmamaneho, lumalandas ang mga luha sa mata niya. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya.
Selos ba iyon? Agad niyang inalis iyon sa isipan.
Naiinis siya. Oo tama. Naiinis at nagagalit. Tinulungan niya si Yohan sa pabor nito expecting na malulutas din ang kanya, pero ngayon, nanganganib ang Martina's!
"Hayop ka!"
Nagulat si Yohan nang makita ang nangggagalaiting si Jen sa opisina niya.
"Kung kating kati ka nang makipaglandian, wag na wag mong ipapahuli kay Papa! Ibebenta na niya ang Martina's sa mga kumpare niya! Walanghiya ka!"
Sinusubukan ni Yohan na pakalmahin si Janelle, pero iyak ito ng iyak na halos malagutan ito ng hininga.
Hindi niya akalain na mahuhuli siya ng tatay ni Jen. Oo, totoo ang nangyari. Galing si Yana noon sa opisina niya at may nangyari sa kanila.
Hanggang ngayon, hindi alam ni Yohan kung mahal pa niya si Yana. Alam niyang muhing muhi siya dito. Pero di maiwasan nangyari iyon dahil may mga pangangailan siya.
Siguro nga libog lang ang naramdaman niya. Hindi siya nagdalawang isip na ipagtabuyan si Yana noon matapos ang pagniniig nilang dalawa.
At nagsisisi siya sa ginawa dahil kita niya kung gaano ka-importante ang Martina's kay Jen. At sa kalokohan niya, maaari itong mawala.
"Jen, makinig ka muna-"
"I hate you, with passion!"
Sinundan siya ni Yohan sa parking lot. Bakit ba ko nagkakaganito, tanong niya sa sarili. Alam niyang may iba pa siyang pinaghuhugutan, pero binalewala niya ang ideyang iyon.
Sasakay na sana siya ng dinala siya ni Yohan sa sasakyan nito at pinaharurot ang kotse.
"Mag-usap tayo," bungad ng lalake.
BINABASA MO ANG
Engagement Ring
RomanceAng lalaking nanakit sayo at minahal mo ng sobra ay iisa. Paano kung magkita ulit kayo dahil sa isang ..engagement ring? // Engagement Ring by Missleading All rights reserved (c) 2012. This story might contain scenes which are not suitable for reade...
