Chapter 3

405 10 4
                                    

"Yoh?"

"Jen?"

Nakaramdam si Jen ng kakaibang boltahe sa kanyang katawan. Sa lahat ng makikita niya ngayong araw, ang ex-boyfriend pa niyang si Yohan.

Di niya namalayang naiwang nakanganga ang kanyang bibig sa gulat. Pinutol naman ng sales clerk ang kanilang awkward moment. 

"Ah Ma'am Janelle, yoohoo." iwinagayway ng sales clerk ang kamay sa harap ng mukha ni Jen. Dahil dun, bumalik siya sa katinuan.

"Ah?"

"Di po kasi enough ang lamang ng debit card, and wala naman pong credit card si sir, papayagan po ba natin yung cash installment?"

Umikot si Jen papunta sa counter at may mga kinuhang papel at resibo. Nakita niya na nakalabas ang isa sa pitong destiny rings.

Bibili siya ng pares ng singsing? Para kanino? Hay Jen! Move on! That was four years ago! Ang set-up niyo ngayon ay customer-owner na lang. Keep everything professional!

"Nice choice sir. Di kayo magkakamaling bilhin ang destiny rings. The designs are very rare and talang galing at nahugasan pa sa Spain ang mga iyan. So for being the first customer to avail the collection, sige, papayagan namin ang cash installment." sabi ni Jen kay Yohan ng hindi tumitingin. Tila busy ito at may sinusulat sa resibo. Pinagmasdan lang siya ni Yohan.

Inangat niya ang ulo at inabot ang papel at ballpen, "Pero sir, please sign this agreement that you are complying with the strictly no refund policy for this special case. That will be the only condition. You may also leave your personal or office number in case the store needs to contact you."

"Oh-okay," sabi ni Yohan.

Why is she being so stiff? I know this isn't the time for reminiscing at manghinayang. Mag-popropose na ko kay Yana mamaya. Hay. Alam ko pareho na kaming naka-move on, kaya wala naman dapat akong ibang bagay na inaasahan ngayon. Nakaagulat lang na store owner na pala siya.

"Thank you for your patronage sir. Sarah, i-package mo na yung rings at mukhang kailangang kailangan na ni sir." tumalikod si Jen at papunta na sana sa kanyang opisina sa store. Pero tinawag siya ni Yohan.

"Jen!" sigaw ni Yohan na ikanagulat ni Jen. humarap ito sa kanya.

"Salamat." sabi ni Yohan.

Jen just gave him a half smile.

-x-x-x-

Fast forward to 8PM, nasa harap na si Yohan ng condo ng girlfriend na si Yana.

Sumakay na siya ng elevator. Hindi siya mapakali habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator,

Tonight, I'm going to propose to my girlfriend.

Hinawakan niya ang singsing na binili sa na nasa loob ng bulsa.

Sa wakas, nasa harap na rin siya ng pinto nito. Kakatok sana siya pero nakita niyang bukas ang pinto kaya nagpatuloy siyang pumasok.

Flashback (Exactly one year ago)

"Babe, alam mo, ang dream proposal ko ay yung biglaan, spontaneous kung baga." sabi ni Yana habang nakaulo ito sa bisig ni Yohan. Pareho silang walang saplot.

"Ganun ba babe?" at humalik si Yohan kay Yana. 

End of Flashback

Plano niyang sorpresahin si Yana sa gusto nitong proposal. Sa sobrang spontaneous, pati pagbili ng singsing spontaneous din.

Nagtaka siya, ang tahimik sa living room ni Yana. Patay ang mga ilaw. Pati sa kusina. Pero may nakita siyang ilaw mula sa kwarto dahil sa nakabukas na pinto.

Habang papalapit siya, mas lumalakas ang ingay na naririnig dito. Sumilip siya, at hindi niya inaasahan ang nakita.

"Oh fck Bryan, ganyan nga! Ahhh ahhhh!"

Si Yana..

...nakikipagtalik sa ibang lalake. At ang mukha nito ay sarap na sarap, mukhang hindi niya nakikita kapag sila ang nakikipagtalik.

Hindi niya napigilan ang galit at sumugod sa loob ng kwarto.

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING TO MY GIRL?!"

Natigil ang dalawa nang suntukin ni Yohan si Bryan at sumusbob ito sa sahig.

Pinunasan ni Bryan ang dugo sa labi at tumawa bago sinabing, "Heh, you're girl?"

"G*go ka pala eh!" at sinuntok ito.

"Pre, easy lang. Why don't you ask 'you're girl' instead?"

Lumingon si Yohan sa walang saplot na si Yana.

"Yana, what the meaning of this?" malumanay niyang tanong.

"What you see is what you get, Yohan. Di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Kahit di ka dumating ngayon, I'm planning of breaking up with you."

"GANUN NA LANG BA YUN YANA? DON'T YOU KNOW WHAT DAY IT IS TODAY?!"

"No, I don't. I don't care. Yohan, we're over."

Naglakad si Yohan palayo. "Fck the both of you. Pagsisihan niyo to."

Hindi niya namalayan na nakasakay na siya sa kotse, masyadong malabo ang mata dahil sa naipong luha na pinipigilang bumagsak.

Saan siya pupunta ngayon?

Engagement RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon