Chapter 8

138 3 2
                                        

Wala.

Walang nangyari. Yohan was dead tired at ako naman, nag-aasikaso pa rin ng sales sa shop sa laptop ko. Ang ending, sya ang nahiga sa kama at ako, magdamag nagtatrabaho sa couch.

I felt his lips touched my cheek. Nandito na kami sa beach reception. Hinihintay pa ang couple dahil may post-nup session pa sila with their photographer, kaya ito kami, nakikihalu-bilo sa guests habang cocktails pa lang ang sineserve.

I blushed although it was all part of an act. Marami ding college friends ang nagulat sa pagbabalikan namin.. kuno.

May mga lumapit sa amin, I recognized some of them as Yohan's friends during college na di ko ka-close.. and they were with a girl named Yana.

Si Yana ang sinasabi sakin ni Yohan na target namin. Alam niyang nandito rin ang ex-girlfriend at ang gusto niya ay ipakita sa kanya na hindi siya kawalan. Nahuli kasi ni Yohan si Yana na nangangaliwa.

"Hi I'm Patrish!" Bati sa akin ng isang babae sa table na kasama nila Yana. Mga college friends sila ni Yohan. Tinawag kasi nila ito dahil matagal din silang di nagkita-kita.

Pinagmasdan ko si Yana na halatang di makatingin sa amin ng diretso.

"Your new girlfriend, Yohan? Why, what happened sa inyo ni Yan?" tanong nung Patrish.

"Why don't you ask her? By the way, if you'll excuse us, we would want to enjoy ourselves," and Yohan pulled me beside him.

Bago makalayo, narinig ko pa rin si Patrish na tinatanong si Yana.

"What happened girl? Kala ko pa naman forever na kayo ni Yohan."

"U-uhm.. sinulot kasi nung girl na yun.. eh ako.. ayoko ng eskandalo, hinayaan ko na sila..."

"Oh my gosh!" gulat na sigaw ni Patrish.

"Yes.. minahal ko pa naman talaga si Yohan," paawang sambit ni Yana.

Nagpintig ang tenga ko. Kumalas ako sa hawak ni Yoh at bumalik sa table.

"Excuse me Ms. Yana, pero hindi iyan ang kwento sa akin ni Yoh. Don't even try to tarnish my reputation because unlike you, I deserve some respect. I'm a reputable business woman at di ko ugaling manulot. Ayaw kitang ipahiya dito but you left me with no choice...", I rummaged through my bag to get my phone na may laman ng letrato nila ng isang nangngangalang Bryan. Yohan sent the image to me para pamilyar ako sa mukha nila. And then I showed it to everyone surrounding the cocktail table.

"This was taken a month ago, kayo pa ni Yohan, you said you were attending a wedding abroad, eh ano tong picture niyo ni Bryan sa hotel sa Malaysia?"

I didn't need to explain further, umalis na ko bago pa kami makaagaw ng atensyon. Nakita kong nag-walk out si Yana at sinundan ito nila Patrish.

Mukhang shocked si Yohan sa ginawa ko. Hindi ako palaban, I'm timid. Pero kapag pangalan ko na ang sinisira, lalaban ako malamang.

"Wow," yun na lang ang nasabi ni Yohan.

Bigla niya akong niyakap at kalaunan ay bumaba ang kamay niya bewang ko. Slow bossa nova music kasi ang pinapatugtog sa reception.

"Inaaway niya ako eh," sabi ko ng naka-pout. "Kung nakita mo lang ang mukha niya sa sinabi ko, mararamdaman mo talagang nakaganti ka na," natatawa kong sabi.

"Ano bang sinabi niya sayo?"

"Sinulot daw kita sa kanya," I told him while pouting.

"Wag ka mag-pout, hahalikan kita," sabi niya.

"Ano ba!"

"But seriously, that liar, sorry at di man kita pinagtanggol sa kanya," untag niya habang bumaba ang kamay niya sa mukha ko at hinawi ang buhok na nilipad ng hangin.

I just smiled a smile of assurance that it's okay.

I felt his lips on my forehead..

down to my nose..

then to my lips.

It was just a quick kiss because the newlyweds have arrived. We blended with the people na nakikisaya sa pag-iisang dibdib nila Kara at Rob.

Bahala na bukas.

Engagement RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon