JEN'S POV
"..even for just one night?"
Bago pa mag-register sa utak ko ang sinasabi niya, humiwalay siya sa akin at biglang hinawakan ang mukha ko at inilapit ang kanyang mukha. Mga tatlong segundo bago nag-sink in sa akin.. na hinahalikan ako ni Yohan.
*PAK*
Nasampal ko siya dahil sa halong gulat, inis at insulto. Alam ko nasa espirito siya ng alak, pero sana nirespeto niya man lang. Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig, hindi dahil sa sampal ko, pero dahil sa kalasingan. Nakapikit lang siya marahil sa sakit ng ulo.
"Hay, makakapag-drive pa ba to pauwi?"
"Ma'am, baka ma-disgrasya lang ho yan kapag hinayaan niyo." sabi ng guard. Oo nga pala, andito nga pala siya no.
"Cargo de konsensya ko pa kapag may nangyari diyan. Wala ba tong dalang sasakyan?"
"Kanya po ata yung sasakyan na naka-park sa katapat na bar eh. Dun siya galing bago pagewang-gewang na tumawid dito."
"Hayy, osige kuya, pakitulungan na lang ho ako na ilagay to sa kotse ko."
Papunta na kami sana sa kotse nang mapansin ko ang mga kumikinang na bagay sa sahig.
*sigh*
Pinulot ko ang mga singsing na ibinato ni Yohan at inilagay sa bulsa.
-x-x-x-
3rd Person POV
"A-aray..", nagising si Yohan sa sakit ng ulo. Hawak hawak nito ang likod ng ulo niya habang dahang dahang umupo sa pagkakahiga sa kama.
'Teka, nasan ako?!" napasigaw na lang si Yohan nang ma-realize siya na wala siya sa kwarto niya.
Bigla na lang bumukas ang pinto na may niluwang isang babaeng may dalang tsaa.
"Wala ka ba talagang naaaala? Di ba ako dapat ako ang nagtatanong kung bakit ka nasa shop ko, nagwawala na parang bata na inagawan ng lollipop?" taas kilay na sabi ni Jen habang nilalapag ang tasa ng tsaa sa bedside table.
"Inumin mo, pampawala ng hang over." alok ni Jen. Bigla naman naalala ni Yohan ang nangyari kagabi. Nalaman niya ang kataksilan ng girlfriend kaya siya naglasing sa bar.
"Ang huling naalala ko ay nasa bar ako. Pagkatapos nun wala na akong naaalala, Salamat, nag-abala ka pang tulungan ko."
Ngumit lang ng pilit si Jen. Hindi niya naalala ang sinabi sakin, at hinalikan ako.
"Wala naman akong nasira sa shop niyo? Wala nang dadagdagan sa utang ko?"
"Haha, wala naman. Sige iwan na ita at may aayusin lang ako sa baba. Sabihin mo lang kapag ayos ka na at kaya mo nang tumayo. Nakahanda na ang damit mo sa baba, nilabhan ko na."
Napatingin si Yohan sa damit, iba na ang suot niya!
"T-teka.."
"Si Barbie ang nagpalit ng damit mo. Wag ka mag-alala, wala akong nakita."
"Sino si Barbie?!"
"Kaibigan kong bakla." Hahaha nakakatawa tignan ang mukha niya.
*DING DONG DONG DONG*
Dahil puwedeng silipin kung sino ang taong nasa labas ng bahay mula sa kwartong kinatatayuan nila ngayon, sumilip si Jen sa bintana. Lumaki ang mata ang bibig niya sa nakita. Di nagtagal may tumatawag sa cellphone niya.

BINABASA MO ANG
Engagement Ring
RomansaAng lalaking nanakit sayo at minahal mo ng sobra ay iisa. Paano kung magkita ulit kayo dahil sa isang ..engagement ring? // Engagement Ring by Missleading All rights reserved (c) 2012. This story might contain scenes which are not suitable for reade...