Chapter 6

372 8 3
                                        

3rd Person POV

"..Ako." sabi ni Yohan ng nakangisi at nakatingin sa nakatalukbong ng unan na si Jen.

"ANO?! Janelle! anong ibig sabihin nito?!" sigaw ng papa ni Jen.

Napatayo naman si Jen at akmang magpapaliwanag. "Papa! Huw--"

"Tito, we are trying to work things out. And I can see na maganda naman ang patutunguhan nito. Natataranta lang siguro siya dahil nakita niyo kaming ganito. Sana po wag niyo na papuntahin si Janelle sa matchmaking." pakikipag-bargain ni Yohan sa tatay ni Jen.

Si Jen.. litong lito. Anong pinagsasasabi ng lalaking to?! I know he has something up his sleeve. I don't want to expect. Magaling syang umarte ah, pero alam kong walang sincerity in his words. What could that be.. i don't know.

Kinuha naman ng tatay ni Janelle ang cellphone at may tinawagan. "Hello, pare! Yes. Yes. By the way, my daughter can't make it tonight. And the following nights. Sorry at naabala ko pa kayo. Yes. Thank you." pagkababa niya sa cellphone ay tumingin ito sa dalawa.

"Mag-usap nga kayo! Pati ako naguguluhan sa inyong dalawa. At ikaw Yohan! Magtutuos tayo pag may nalaman akong kalokohan mo." sabay talikod sa kanila sa paglabas at binalibag ang pinto.

Ilang sandali narinig na nila ang pagsara ng gate at pag-andar ng kotse ng tatay ni Jen. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa ng ilang minuto.

Yohan chose to break the silence. "Hey."

Blanko lang ang mukha ng Jen at tumingin sa kanya. 

"Uy, magsalita ka naman." sabi ni Yohan ngunit wala pa din siyang reaction. Kumuha lang ito ng gunting sa gilid ng table at iniabot kay Yohan. 

"Pakamatay ka na lang. Bwisit." sabi ni Jen at naglakad na papunta sa pinto.

"Huh? Ikaw na nga tong tinulungang makatakas sa matchmaking eh!" at binalibag din ni Jen ang pinto.

Jen's POV

Hinain ko na ang niluto kong spicy chicken at naglagay ng dalawang plato at set ng kubyertos sa mesa para sa dinner. Oo, nandito pa rin ang lalaking iyon. Kusa na siyang pumunta sa table at naupo na kaming dalawa.

Tahimik lang kaming kumakain. At nakakasawa rin pala ang hindi magsalita kaya sinimulan ko na. "Spill."

"Huh?" napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin.

"Kung tinulungan mo ko, ano ang kapalit? Alam mong hindi nadadaan sa salita si Papa. At hindi mo gagawin yun ng hindi babalik ang pakinabang sa'yo."

"You're right. I want you to help me. At tutulungan din kita." sabi niya habang may malalim na iniisip. I didn't reply, para mapagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

---------------------------

Yohan on the right. Hot diba? short update kasi may kasunod ito mamaya. Hehe.

Engagement RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon