Pumasok si Yohan sa Martina's. Medyo malawak ang lugar. Nakadisplay ang iba't ibang antigong gamit sa mga glass containers at nasa gitna naman ang ibat-ibang mga alahas.
"Excuse me miss, can you tell me something about the Destiny Rings?", tanong niya sa isa sa mga sales clerk. Nagtungo sila sa isang glass table kung saan nakadisplay ang iba't ibang pares ng destiny rings.
"Sir, tulad ng naasulat sa flyer, pinaniniwalaang ang mga singsing na ito may mapupunta lamang sa mga magkasintahang itinakda ng tadhana. Kung hindi sila para sa isa't isa, hindi magiging pagmamay-ari ng isang kapareha ang singsing, at mapapasakamay lamang ito ng taong nakatada para sa bumili. Pero sir, nasa sainyo naman kung maniniwala kayo. Alam niyo naman sa panahon ngayon, minsan mga pakulo na lang ang mga ganito."
Oo nga, napakagaling nga namang marketing strategy. Hay masyado na bang nalulunong sa mga kantang Taylor Swift ang mga tao ngayon? Pero mahilig si Yana sa mga ganito eh. Trip na trip nga niya yung Infinity Ring na sa Walang Hanggan. Tss, patulan o na ang isang 'to.
Nakikinig lang si Yohan habang tinitignan ang nasa sampung pares ng destiny rings.
"Pito lang ba talaga ang naka-display?"
"Pito lang po talaga Sir ang destiny rings na hinugasan pa sa La Rambla Barcelona. Wala pong pares ang magkapareho, lahit sila magkakaiba. May nagugustuhan na po ba kayong pares?"
"Sige, patingin ako niyang nasa dulong kanan."
Kinuha naman ng dahan dahan ng sales clerk ang pares ng singsing. Kinuha ito ni Yohan at tinignan mula sa mga sariling kamay. Kumikinang ang mga bato nitong kulay emerald. Terno ang gintong singsing na napapalamutian ng emerald, hindi masyadong "kikay" ang panlalaki at sobrang liliit na emeralds lang ang nakauit dito. Ang pambabaeng pares naman ay may isang katamtamang laki na emerald sa gitna na may vintage-style na patungan.
"Miss, magkano ba ang isang pares na ito?"
"P100,000 po sir."
'ANO?!" nahagis bigla ni Yohan ang mga singsing sa gulat. Buti na lang nasalo ito ng clerk.
"Sir naman, konting ingat naman po. Ako ang mapapagalitan ni Ma'am eh."
'Pasensya ka na, nabigla ako sa presyo eh."
Hay, para naman kay Yana to. Whew.
Nilabas ni Yohan ang debit card. Ayaw niyang gumagastos ng wala sa plano kaya hindi siya kumuha ng credit card.
Ako na ang pinakapulubing company heir.
"Miss, I'll get that one. Do you accept debit card?"
"Yes sir. Pakipirmahan na lang po ito at pakibasa ang Terms and Conditions."
Matapos unin ang card swiper, bumalik ang clerk sa harap ni Yohan.
'Sir, P70,000 na lang po ang laman ng debit card ninyo. Pwede niyo naman pong i-cash ang natitirang P30,000 or gumamit ng credit card."
"What?! Ah wait, I'll check for cash."
Kinuha ni Yohan ang wallet.
"Ah fck I only have P5,000 in cash."
"Sir, di ko po to pwedeng i-release hanggat hindi full payment or via credit card."
"Kailangan ko na 'to ngayong gabi eh, wala na bang way para maging installment ito?"
"Nako sir, credit card lang ang isa pang way. Bawal po ang installment para sa destiny rings."
Sakto namang tumunog ang wind chimes hudyat na may bagong pasok sa shop. Isang matangad at magandang babae na simple lang ang ayos. Makikita na siya ang may-ari ng Martina's.
"Ma'am! buti na lang dumating kayo! May request po sana si Sir."
Nagkatinginan ang dalawa at halatang nagulat.
"Yoh?"
"Jen?"
![](https://img.wattpad.com/cover/3503768-288-k278689.jpg)
BINABASA MO ANG
Engagement Ring
RomantikAng lalaking nanakit sayo at minahal mo ng sobra ay iisa. Paano kung magkita ulit kayo dahil sa isang ..engagement ring? // Engagement Ring by Missleading All rights reserved (c) 2012. This story might contain scenes which are not suitable for reade...