Chapter 8: A Scary Coincidence

1.1K 76 8
                                    

Chapter Eight

Someone's POV

Kaagad na napabalikwas ng bangon si Riley. Habol hininga syang pinagmasdan ang paligid. Andito sya ngayon sa kaniyang kwarto.

Napapikit sya habang hawak ang kanyang kanang dibdib, kumakabog pa din ito ng malakas. Hingal na hingal nyang isinandal ang kanyang ulo sa likodan ng kama.

It was all dream...

Iyon ang kanyang unang naisip. Kahit nagtataka sya ay pinilit nyang tumayo, nararamdaman nya din ang pag pawis ng noo nya. Kumuha sya ng isang baso ng tubig sa maliit na lamesa sa kwarto nya.

Iginilid nya ang kanyang paningin at pinanood ang pagpitik ng orasan. Tanghali na, araw ng byernes. Pero dahil sa panaginip nya, pinili nyang umabsent na lang muna lalo na at tanghali na sya nagising.

Habang umaagos ang tubig sa katawan nya, napaisip sya sa kanyang panaginip. Tila ba na binabagab sya nito. Kahit alam nyang hindi talaga nangyare yon.

Napalunok sya, kaagad na naligo ng mabilis at naglakad sa sink para mag twalya. Mayaman ang kanyang pinagmulan. Maganda ang kinalakihan at hindi naranasan na maghirap.

Pinagmasdan nya ang kanyang sarili sa salamin na malaki, hindi maitatanggi'ng maganda talaga 'sya. Krystal ang mga mata, matangos ang ilong, maputi na para bang araw araw ang kaniyang pangligo ay gatas at magandang pagka-ukit ng kaniyang mapupulang labi. 

Bumuntong hininga ito at inuyuko ang ulo, akala nya ay patay na sya. Madami syang iniisip tungkol sa matanda, sa panaginip na parang totoo'ng nangyare.

Muli nyang tiningnan ang sarili bago lumakad palabas ng Cr. Nag bihis sya ng maayos at lumabas sa kanyang kwarto.

Inilibot nya ang kanyang paningin, bahay pa din nila. Nakahinga sya ng maluwag. Bumaba ito kasama ang kanyang cellphone. Naabutan nyang nanonood ng tv. ang kanyang Nanay at ang kanyang Ate.

Kaagad naman na napansin ni Suzainne ang kanyang kapatid na tulala sa malaking Telebisyon sa kanilang sala.

Kumunot ang noo ni Suzainne habang tinititigan si Riley na syang nanlalaki ang mga mata. "Okay ka lang, Sis?" tanong nya sa kapatid nya at napatingin naman si Riley sa kanya. Bahagya namang tumaas ang balikat ng Nanay nila at tiningnan ang likodan nya na syang kinatatayuan ni Riley.

"Oh Baby, May pasok ka ba ngayon?" tanong ng Nanay nya at tumayo sa pag kakaupo sa sopa. Ibinaling naman ni Rikey ang kanyang tingin sa Nanay nyang nakangiti sa kanya ng matamis.

Parehong nagulat ang mag ina ng tumulo ang luha ni Riley, ganon din ang naging reaksyon ni Riley sa sarili nya.

Tumayo ang Ate nya. "H-hey, why are you crying?"

"Anak, May problema ba?" sunod na tanong ng kanyang Nanay na ngayon ay nag-aalala na.

Kahit naguguluhan, pinahid ni Riley ang kabila nyang pisnge at ngumiting tumango sa Nanay nya at sa Ate nya para sa ganon ay hindi sila mag-aalala sa kanya.

Agad na umupo si Riley pauna na sinundan ng kanyang Nanay. "W-who's she?" nauutal na tanong ni Riley habang nakaturo sa TV.

Ngumuso ang kanyang Ate at sumandal sa sopa, Pinanood ang Live Suicide na syang pinapalabas sa Balita.

"Trending ngayon ang babaeng huminto sa isang highway, Live mula sa chopper." basa ni Suzainne sa balita.

Sa screen ng TV, Lumabas ang aktwal at Live na kuha ngayon sa highway na syang mag kamukha sa panaginip ni Riley. Napalunok ito habang pinapanood ang Live.

katulad na katulad ito sa panaginip nito, kinabahan sya sa di malaman na dahilan. Alam nyang hindi nag kakatotoo ang mga panaginip at minsan ay kabaliktaran ito.

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now