Chapter 11: The Existence of Parallel Universe

1K 67 16
                                    


Chapter Eleven 

Riley's POV

"Riley, Hija!" nabitawan ko ang kamay ni Owen ng dumating si Lola.

"Inang Madre, magandang umaga po." nakangiting baling sa kanya ni Owen.

"Magandang umaga din, apo.." ani Lola at nilapitan ako. "Nag-kakilala na kayo?" nakangiting tanong ni Lola.

"Ahh yes po, Lola.." lumapit ako bahagya sa kanya. "I don't know, magaan ang loob ko sa isang to." I whispered at her left ear.

Natawa naman si Owen kaya ngumiti nalang ako ng pilit. "Sinabi ko naman sayo na mabait po akong tao, oo nga po pala Inang Madre," bitin pa nya.

"Ano yon, apo?"

"Ipina-tatanong po kasi ni Father kung bukas o mamayang hapon po ang pagdating ng mga katulong. Para po makargahan ko po yung kotseng gagamitin."

Napahawak pa si Lola sa pisnge nya bahagya at napakamot doon. "Hindi ko alam eh, si Gab ang tanungin mo riyan. Tiyak na masasagot ni Gab ang mga tanong mo." nakangiting sabi ni Lola.

"Ahh sge po, yun lang po." nakangiting bumaling sya sakin. "Paalam." sabi nya at tumango na lang ako.

Nang makaalis si Owen ay nahigit ni Lola ang laylayan ng manggas ko. "What?" pinanlakihan ko sya ng mata dahil hindi ko gusto ang tingin nya.

"Wag mong sabihin na may pagtingin ka don sa binatang yon?" her eyes was sharp.

Muntik na akong masamid sa sinabi nya. For real? I rolled my eyes at the treehouse that is close to us. "He's not my type." I simply answered.

"Mabuti na ang malinaw." kumunot ang noo ko at nag-cross arms sabay tingin sa kay Lola.

"Why I'm here pala? Nasaan na naman ako? Don't tell me.." my eyes widened.

"Mag tigil ka nga!" nagulat ako ng pasigaw nyang sinabi yon, napatingin samin ang iilang bata na naglalaro ngayon sa playground,"Hay nako, parang awa mo na wag kang mahimatay. Oo, andito ka sa Parallel Universe."

As she said that, i was about to faint ng masakit nya akong kinurot sa pisnge.

"Ouch! That hurts!"

"Tara doon, makinig ka sa mga sasabihin ko at mangako kang wag kang mahihimatay at ako ang nahihirapan." Striktang sabi nya at matama akong tiningnan.

"Okay, fine. Just don't pinch me again." pagtataray ko pa pero hindi nya yon pinansin.

________________________

"So, you're telling me na.. This is Parallel Universe, at may mga ano?" shock is in my voice.

"May mag-kakamukha, ano ba ang lesson topic nyo ng huli kang mahimatay sa room nyo?" Tanong nya, ramdam ko ang gulat sa buong katawan ko.

"Alam mo pati yon?!" my eyes really widened, i have this feeling na lalabas anytime ang eyeballs ko sa sobrang paglaki.

"Wag ka ng mag hesterikal dyan," aniya at kumuha ng baso sa kusina. Pati paglakad namin sa loob ng dorm ay hindi ko napansin.

"I'm not being hysterical I'm just being honest. I am a person with a full of emotions. And plus kahit sinong normal na tao ay mag fre-freak out pag nasa posisyon nila ako." tinanggap ko ang baso ng tubig na ibinigay ni Lola at inamoy ito.

"Walang lason yan."

nagkibit balikat lang ako sa kanya, obviously saying i do not know. Inilingan nya lang ako, pikit mata kong ininom ang tubig at gulat na walang nangyare sa'kin. Napatingin ako sa paligid and thanks God, andito pa din ako sa Dorm ng mga Madre.

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now