Chapter 16: Behind That Story

749 43 7
                                    


Chapter 16

Riley's POV

"Oh!" sabi ko ng makitang nakaupo si Lola sa gitna ng garden.

Kaagad akong lumapit ng kumaway ito sa'kin. "Gosh, Lola I miss you!" nakanguso kong sabi at niyakap sya.

Sya lang naman ang totoo'ng nakakakilala saken dito.

"Ikaw talaga! Oh maupo ka muna, Riley." natawa ako ng tawagin nya ako sa totoo kong pangalan. Well, kaming dalawa lang naman ang nandito may mga tao din naman pero hindi nila rinig ang pinag uusapan namin.

"Pwede ka bang mag break? Mukhang nag mamadali ka papasok, ano ba yang bitbit mo?" aniya ng ilapag ko sa table ang dala kong paperbag.

"Mga gamit nila. Oo nga pala lola, kwentuhan mo muna ako tungkol sa lahat. Hindi mo pa nasasabi kung bakit ako nandito, bitin yung nakaraan!" ungot ko pa at natawa naman sya.

Kung titignan ay ang tanda tanda nya na,pero saming dalawa ay mag katulad ang boses namin. Parang mag ka edad ang boses namin. Weird diba? Talagang hindi sya tao.

"Hindi ako tao at nasabi ko na yan sayo."

Kumunot noo ko at napansandal sa upuan,"Then, who are you? what are you lola?"

"Isa akong susi." nakangiti nyang sabi.

"What? Lola naman eh, hindi po ako nakikipag biruan." inis ko pang sabi.

"Sa tingin mo ba ay nakikipagbiruan ako sa lagay na to?" biglang seryoso nyang sabi.

Umawang ang labi ko. "Sge. susi ka? How? Mukha kang tao hindi susi lola."

Tumawa sya ng mahina. "Hindi literal na susi, Hija. Isa akong susi ng magkabilang mundo." aniya at ngumiti ng napakalaki.

Nanlalaki ang mata ko. "O-omg? Omg lola! Guardian ka?!" hindi ko mapigilan ang maging malakas. nag sign sya ng 'shh' kaya napalabi ako at tumango.

She sighed and smiled a bit. "Wala akong edad, hindi ako umeedad sa totoo. Balat kayo lamang ang nakikita mo, Riley."

Nakagat ko ang labi ko sa pagka-mangha, gosh isa sya sa mga guardian so fantasy really exist! Sana pala nag taas ako ng kamay sa recitation ni Miss!

Kaagad na nanlaki ulit ang mata ko sa naisip ko. "M-may totoo kang itsura, tama po ba ang pag kakaintindi ko lola?"

"Ang totoo kong pangalan ay Lolah. Yun na talaga ang pangalan ko sa gitna ng mundo, mundo ng magkakaibang derci." aniya at huminga ng malalim at pinagmasdan ang mga taong nag didilig ng mga halaman sa bawat sulok ng garden.

"Ano po yung derci lola?"

Ngumiti ulit sya habang pinag mamasdan ang kalangitan. Napa-simsim ako sa juice ko habang nag-aabang sa mga matalinghagang salita ni Lolah. Tumikhim sya kaya naibaba ko ang baso at napa-ayos ng upo, ready nang makinig ng mabuti. "Isa ako sa mga derci na naninirahan sa mundo'ng gitna. Ang gitna ay ang Mundo para sa mga kakaibang nilalang na gaya ko. Ang derci ay isang nilalang na kayang mag balat kayo. Sa paikli, lahat ng nilalang sa Gitnang Mundo ay kayang mag balat- kayo."

"That's scary, Lola." komento ko pa.

"Alam ko," natatawa nyang sabi. "May pinagkaiba ang Asvieb sa iba pang nilalang na nabubuhay doon."

"Ano naman yung Asvieb?"  tanong ko at pumalumbaba habang nakikinig sa kanya. More and more nagiging interesting ang mga Derci.

"Makinig ka muna, sasabihin ko sayo mamaya." aniya at natawa ng mahina, tumikhim sya kaya tutok ako lalo sa pakikinig. "May tatlo lamang at isa don ay ang mga ajie, ang mga nangunguna sa lahat. makapangyarihan at may awtoridad sa lahat. Pangalawa, ang mga dhisuk. Matatapang, malakas at hindi pang karaniwan. Minsan na silang tumira sa mundo ng mga tao. Hindi mo alam kung sino ang nakakausap mo. Hanggang maari hija, wag kang mag titiwala sa mga taong nakakasalamuha mo, lalo na ang mga mapang'linlang na mga dhisuk, kahit kailan ay hindi sila sumunod sa mga kataas-taasan. " aniya at tiningnan ako ng mabuti. Napatango ako ng dalawang beses, tutok ako sa pakikinig sa kanya. 

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now