Chapter 30: Back into Old Days

533 26 20
                                    

Chapter 30: Back into Old Days

Riley's POV

"Please, let me tell you what happened." desperadong sabi nya.

napahinto ako sa paglalakad, i closed my fist and faced him. Ang nagsasabing sya ang Tatay ko.

hindi ko sya matitigan sa mata, dahil parang maiiyak ako anytime. He didn't know that he looked like my Dad in my world.

"Anak, I'm sorry." he sincerely said, bahagya akong napahakbang paatras ng hawakan nya ang braso ko.

"Don't touch me." hindi ko pa din sya matingnan ng deretso.

Siguro ay nasasaktan pa din ako sa pag iwan ni Dad samin nila Ate Suzainne, mas niyuko ko pa ang ulo ko ng maramdaman ang namumuong luha sa mata ko.

I want to hug him kahit na hindi sya ang Daddy ko sa mundo ko. Napalabi ako at napasinghot dahil sa iyak na pinigilan ko.

"A-are you crying?" hindi lalo ako nakagalaw ng hawak nya ang braso ko.

Hindi ko napansin na humihikbi na pala ako, kaagad akong tumalikod at mabilis na pinunasan ang luha ko na walang tigil sa pag agos.

"I'm sorry pero...pwede na po ba akong umalis? May gagawin pa kasi ako." hindi ko na inintay ang sasabihin nya at umalis na ako don.

Lahat ng mga nadadaanan ko ay mga malungkot dahil andito pa din ako sa Royal Funeral ng Empress.

Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng lalaki, sarado ang tenga ko dahil nabigla ako sa pagkawala ng totoo kong Nanay.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ni Amelia ay kaagad kong sinarado yon at dumeretso sa kama ko. Halos itapon ko ang sarili pahiga ng kama ko, I'm staring at the white ceiling. Maliwanag din ang buong kwarto dahil sa mga ilaw.

"Riley!" kaagad kong tiningnan si Amelia ng hindi tumatayo sa higaan ko, nakangiti sya ng isarado ang pinto.

"Merong kasiyahan sa labas na ginaganap!"masaya nyang bati sakin at nagulat ako ng hilahin nya ako patayo.

"Teka, teka!" pagpipigil ko sa kanya, ramdam ko ang pagkunot ng noo ko sa pagtataka.

"May kasiyahan sa labas?" taka kong sabi dito.

kumunot din ang noo nya,"Wag mong sabihin.. hindi mo alam?" taka nya ding sabi.

Napaisip naman ako, alam ko lagi ang ganap dito sa Palace lalo na't sinasabi sakin ni Clarence lalo naman si Amelia.

tinitigan ko ng mabuti si Ame,"Sure ka?" tanong ko dito.

bahagya pang tumingala si Ame na tila ba ay nag iisip saka tumango ng dalawang beses,"Oo naman, lagi akong updated no!" tawa pa nya at hinila ako ng walang pasabi.

Napatingin naman ako sa kamay nya ng may maramdamang kakaiba, hindi ko alam pero kinabahan ako.

Saktong pagkalabas namin ng kwarto ay napahinto ako ganon din sya.

"B-bakit?" taka nyang tanong.

"Something's bothering me, Ame." pag-aamin ko sa kanya.

Tinaasan nya ako ng kilay,"Sinasabi mo dyan?" natatawa nyang sabi.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang paligid, everyone was cleaning. Wala paring pinagbago ang Palace, maliwanag padin. Kahit gabi ay aakalain mong umaga pa dahil sa mga ilaw.

"Riley," nauubusan'g pasensya aniya sa pangalan ko,"Hinihintay tayo nila Chief, ayoko pag hintayin ang mahal ko." aniya at ngumiti ng kinikilig.

Napatitig ako ng mabuti sa kanya, feeling ko nagsisinungaling sya. And yung paraan ng pagsalita nya parang mema sabi ganon?

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now