Chapter 27: A Strange Man Came

476 29 22
                                    


Chapter 27

Riley's POV

Nagulat ang lahat ng ideklara sa buong mundo sa biglaang pagkamatay ni Empress Victoria.

Lahat halos ay nakiramay, lahat nalungkot. Napabuga nalang ako ng hangin at pasimpleng tiningnan ang Pamilya'ng Maude.

We all wearing black clothes, mula sa kinatatayuan namin ni Ame ay rinig ang mga hagulgol ng mga kamag anak nila, mga malalapit sa Empress.

Ganon din naman ako, my tears fall again staring at my Mom's picture. Ni hindi ko man lang sya nayakap, sobrang bilis ng pangyayare. Hindi nya man lang ako nakilala.

Nasa isa kaming kilalang memorial dito.
Malaking kwarto para samin na malapit sa Empress. Nas gilid ang malaking picture ng Empress at nasa gilid ang coffin nya. Naka sara ang coffin at ang Pamilyang Maude lang ang pwedeng makakita non kasama ang kamag anak nila.

I want to see her too, for the last time...

Napayakap nalang ako kay Ame at doon binuhos ang tahimik kong iyak. Niyakap nya naman ako pabalik at umiyak din.

Narinig ko ang mga bulungan sa paligid ng may narinig akong yapak sa likodan ko kaya't napahinto ako sa pag iyak.

"The Emperor.." paulit ulit na bulungan ng mga nasa paligid. Doon ko nakita ang Emperor sa kaniyang itim na suit.

Naiiyak syang lumapit sa kabaong ng Empress. Lumapit sa kanya si Kuya Clarence.

Napalabi nalang ako habang pinagmamasdan sila. Napaisip ako habang tinitingnan ang Emperor. S'ya ba ang tatay ko?

"Grabe, ngayon ko lang ulit nakita ang Emperor. Tiyak na nasaktan sya sa biglaang pagkawala ng Empress, hindi pa naman sila masyadong nagkasama dahil laging nasa ibang bansa si Sir." ani Ame.

Tama sya, ngayon ko lang ulit nakita si Emperor dahil laging nasa labas sya ng bansa. Sa TV lang namin sya nakikita dahil ganon kadalang mapunta ang Emperor sa Palace.

"The Empress is really gone." hindi ko napansin na nasabi ko na iyon habang pinagmamasdan ang Pamilyang Maude magyakapan.

nakita ko pang kinausap ni Emperor si Clarence at tinapik ito sa likod maka dalawang ulit. Pumunta ito sa harapan ang binigyan sya ng mic ng isang babae.

Biglang tumahimik ang lahat ng tawagin nya ang atensyon namin.

"I'm the Emperor of East Empire, Lucas Ezra Maude. I.. don't know what to say or to start. I just know I'm in pain, staring at my wife's coffin." nagsimulang magsi-hagulgol ang mga nandon, ang Emperor ay patuloy na umiiyak habang nagsasalita.

My tears fell..

muli itong nagsalita,"She's the kindest Empress I've ever seen in my whole life. Napaka perpekto nya para maging asawa ko, masyado akong maswerte at biniyayaan ako ng mabuting asawa," napahinto sya at napangiti ng mapait sa malaking letrato ng Empress, umiiyak ng walang tigil,"Why all so s-sudden?"

Nabalot ng mga iyak, hagulgol ang mga nandito sa loob ng kwarto. Si Ame ay humihikbi din katulad ko, ng tingnan ko si Chief ay nangingilid din ang luha nito pero nanatiling walang ekspresyon katulad ng kasama nyang nagbabantay sa pinto.

"K-kung alam ko lang na ganto kaaga ka kukunin sa akin ng itaas, sana ay nanatili ako sa tabi mo sa huli nating sandali. Sana ay nayakap kita kahit isa man lang, sana nasabi ko sayo kung gaano kita kamahal, V-victoria. Sana... ako nalang at hindi ikaw." hindi mapigilan ng Emperor ang mapayuko nalang at iwanan ang mic doon mismo.

Lumapit sila Crytal sa tatay nila at niyakap ito sa harap namin. Nakita ko kung paano gumalaw ang balikat ng Emperor kaya kaagad naman akong napaiwas ng tingin.

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now