MBG - 6

193K 2K 218
                                    

CHAPTER 6

Anong ginagawa ng taong bored? Edi, WALA. Kaya nga bored eh. Pakamatay na lang. Nakakainis.

Haay nako. Bakit ba kasi nagawa sakin yon ni Kuya! Tae naman talaga siya oh.

Palakad lakad ako dito sa kwarto ko. Nakakatamad kayang magfacebook minsan. Tsk.

Tatlong araw na din akong ganito. -_- Hinahatiran na lang ng pagkain sa kwarto. Ano ko? May nakakahawang sakit? Anobaaa!

Nag-ring bigla ang cellphone ko,

+639******** calling...

Ano ba! Lagi na lang ako tinatawagan netong number na to. Hindi nga siya sinasagit eh ibig sabihin ayoko siya kausap. Sorry, I don't talk to strangers. Tss.

Hinayaan ko lang yon mag-ring hanggang sa magtigil siya.

Nahiga ako sa kama at nakipagtitigan nanaman sa kisame.

"Oh, kisame. Kamusta ka naman?.. Ah, ako eto yamot na yamot na.. Okay lang sana kung andito yung mga libro ko eh wala eh! Dinala ko sa apartment kaya pagtyagaan mo na ko ah, tayong dalawa na lang mag-usap.. Hoy sumagot ka naman! Wala na nga akong makausap eh. Hindi ko naman matawagan sina Sofia at Bianca kasi may mga klase sila ngayon.. Haaay.." binato ko ng unan yung kisame at bumagsak naman sa mukha ko yung unan. "Hoy ikaw kisame ah ba't mo ko binato. Leshe ka."

*Tok. Tok. Tok.* (pag-pasensyahan ang sound effect)

Napabangon ako ng may kumatok mula sa terrace. Nagulat naman ako nang makita ko kung sino yon.

Lumapit ako at binukas ang sliding door.

"Enrique.. what are you doing here?"

I was shock with what he answered.. not an angry word, not a sentence and not even a word but a kiss.

I replied to his sweet and passionate kisses.

Nang magkahiwalay na kami. Dun na ako nag-umpisang magtanong ng magtanong sa kanya.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon