MBG - 28

184K 1.7K 277
                                    

CHAPTER 28

DANIEL ‘S POV

Kahapon kinausap ko na si Julia na itigil na namin to. Alam naman niya kung ano yung totoo eh.

FLASHBACK

“Julia.. let’s end this.”

“End what?”

“You know what I mean.”

“But Daniel.. honestly, dahil ba kay Kath?”

“I like her A LOT. Please? Ayoko na nung mga lumalabas na issue tungkol sa kanya.”

“Daniel..”

And there she cried for the nth time.

Ayoko talaga na umiiyak si Julia eh. Oo minsan harsh ako pero special din naman si Julia sakin. Noon nung hindi pa dumadating si Penelope sa buhay ko pinipilit ko siyang mahalin. Sinubukan ko maging mabait na boyfriend sa kanya, naging protective din ako kaya nga nagawa ko pang saktan si Penelope noon nung nakita ko siyang pinaiyak si Julia.

Di ko naman akalain na yung babaeng yon din pala ang mas magiging mahalaga kesa kanya.

“Julia.. Tahan na.”

Akap akap ko siya habang kino-comfort siya.

END OF FLASHBACK

Eto ako nagda-drive papunta sa school.

I really hate morning classes pero dahil classmate ko si Penelope don sige na nga kahit late na ko.

Dahil ako din ang hari ng marahas na pagbukas ng pinto. Marahas kong binuksan ang pinto sa room.

Diretso upo ako habang siya focus sa pakikinig. Naks, nerd forever!

Tinititigan ko lang siya habang nakikinig siya. Nag-recite pa nga siya eh. Minsan pala nakaka-turn on din pagiging nerd niya.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon