MBG - 40

176K 1.7K 251
                                    


Yung POV po ni Clifford dito ay collab sa Daddy?! ha. Kung hindi niyo pa po yun nababasa basahin niyo din po. :) Guest po si DJLaki at Ms. Weirdo. Hehehe. Na-post na po dun sa Daddy yung scene na to. ;) Click niyo na lang po yung external link para sa story ng Daddy. Wag po kayo malilito hane? :))

-----------------------------------------------------------------

CHAPTER 40

SOFIA'S POV

"Heyaaa. Betchay, sabay tayo mag lunch ah." sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.

Ihahatid niya kasi ako sa room namin. Si Bianca kasi may dinaanan pa sa library.

"Pwede ba, tigilan mo ko sa Betchay na yan ah."

"Ba't ka nagagalit? Eh ikaw naman nagpasimuno nun ah!"

"Whatever."

Ganda ganda ng pangalan ko tapos gagawin niyang Betchay? Gawin ko siyang botcha eh! Ugh.

Bago pa ko makapasok sa room hinila niya ang kamay ko,

"Oh wag na magalit." he smiled and kissed me on my cheek. "Ayan, bati na tayo ha."

"Lagi mo na lang ako dinadaan sa ganyan. Tsk."

"Eh buti nga nagpapaka sweet ako eh. Konti na lang sweet sa mundo."

"Ewan ko sayo, Khalil. Lakas ng tama mo."

"Oo, sayo."

"Ay, putek! Aga aga wag kang bumabanat!"

"Bakit kinikilig ka?"

"Ewan ko sayo. Tae ka!"

"Kasi di mo ko kayang paglaruan?"

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon