NORMAL POV
"Tahan na..." hinahaplos haplos ni Bianca ang likod ni Sofia.
"Bianca... pa-bugbog ko kaya kanila Kats yon?"
"Tanga. Pare-parehas lang silang gangster. Parang wala rin mangyayari."
"Biancaaaaaa!!" napasigaw na lang si Sofia at napatakip na lang ng tenga si Bianca.
Sakto naman at dumating si Kats at Lester. Pinagbuksan sila ni Bianca.
"Glutton ano nangyari diyan?" Kats
"Broken hearted?" Lester
Bianca nodded. Pumunta siya sa kusina para ikuha ng meryenda ang mga bisita.
Tinabihan ni Lester si Sofia.
"Sofia oh." sabay abot niya ng candy.
"Candy?" tanong ni Sofia na sumisinghot-singhot pa.
"Kumain ka ng matamis baka sakaling mabalik din ang matamis mong ngiti." Lester smiled.
"Ilabas mo lang lahat Sofia. Babalik din yon." sabi naman ni Kats.
"Peste siya 'wag na siya bumalik."
"Wushoo pero iniiyakan mo naman ngayon." sabi naman ni Lester.
Dumating si Bianca at nilapag sa center table ang meryenda.
Hinampas ni Sofia ng unan si Lester. "Leche ka naman eh!"
Tinawanan lang siya nito.
***
Napapadalas ang pagsasama ni Lester at Sofia.
BINABASA MO ANG
My Black Guy
RomanceBlack Series I: I'm Kathryn Penelope Torres. "Pretty and smart" that's what I always get from others, except him. I'm Daniel Clifford "Black King" Ramirez. Leader of Black Cards. Choose, mess with us or you'll die.