MBG - 56

132K 1.5K 574
                                    

CHAPTER 56

 

 

KATH'S POV

Kinaumagahan sabay sabay kaming nag-almusal pero higit pa to sa pinaka-hate kong pagkain namin ng almusal ni Kuya. Noon kasi naiinis ako kapag kakain kaming dalawa ni Kuya tapos sila Mommy aalis - papasok na sa trabaho. Minsan naman hindi na namin sila naaabutan kaya kaming dalawa lang talaga ni Kuya ang madalas kumain ng sabay.

Eh ngayon, magkakasabay nga kami pero di kami masaya, may galit at lungkot sa pagitan naming lahat.

Si Daddy na ang naunang nagsalita, "Ayusin niyo ang mga records niyo sa pinapasukan niyo at babalik na kayong dalawa sa England."

"Pero Dad!" pagtutol agad ni Kuya

"O ano? Ayaw mo umalis? Bakit di pa ba tapos pakikipag-basag ulo mo?"

 

 

"Pero malapit na kami grumaduate Dad. Ilang buwan na lang."

 

 

"Ipagpapatuloy niyo na lang sa England."

 

 

"Pero.. pero si Julia po.."

 

 

"Ayan! Ngayon iisipin mo girlfriend mo! Sana bago mo pinasok yung gulo na yon inisip mo muna siya, ang kapatid mo, kaming magulang mo!"

 

 

"Daddy calm down." sabi ni Mommy habang inaabutan ng tubig si Daddy

"Pero Dad tama po si Kuya. Hayaan niyo na lang po muna namin matapos tong sem na to para maka-graduate."

 

 

"No. Hindi ko kaya na magtatagal pa kayong dalawa dito sa Pilipinas. Masyado ng marami ang nangyayari."

 

 

"Dad naman po.."

"Tigilan mo ko Kathryn. Alam kong iniisip mo lang din yang gago mong boyfriend."

Masakit para sakin na ganyan ang tingin ng sarili kong tatay sa taong mahal na mahal ko.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon