MBG - 49

142K 1.4K 346
                                    

CHAPTER 49

DANIEL’S POV

Nagpaalam si Penelope na magsa-shower lang daw siya.

Pero maya maya may na-receive akong text from an unregistered number,

From: +639*********

Check your facebook. I sent you something.

Napataas ako ng kilay. Tutal naman kaharap ko tong laptop ko edi nag-online na ko, may message nga.

When I opened it, it wasn’t even a message it’s a photo that was sent to me anonymously.

Picture ni Penelope at Enrique na nagtatawanan habang nakaupo during the seminar. Picture na ginugulo pa ni Enrique ang buhok niya, tapos meron pang nilagyan ni Enique ng bulaklak sa tenga ang girlfriend ko. Meron pang nakatingin si Penelope kay Enrique habang nakangiti. At meron pang nagtatawanan sila habang naglalakad.

Galing kanino? Ewan. Nakalagay na pangalan, Anonymous walang picture o kahit na ano eh.

HANEP.

HAYUP.

Behave pala ha. Yan na pala ang meaning ng behave ngayon, sweet-sweetan kasama ang ex. Pota.

Naghintay ako ng mga less than 30 minutes. Kahit shower lang yon alam kong magtatagal yon sa CR. Daming ritual non eh.

At nang makuntento na ko tinawagan ko siya. Sinagot na din naman niya,

“Babe-..”         

“Penelope what the hell is this? Yung di mo pagsagot at pag-reply sakin naiintindihan ko pa eh, pero eto? Naglolokohan ba tayo dito ha?”

“W-what?”

“Wag mo ko wina-what what ngayon Penelope. Hindi maganda ang mood ko.”

“Pero hindi ko maintindihan yang sinasabi mo.”

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon